top of page
Search
BULGAR

Hubo’t hubad sa movie… JAMES, NAGPAKITA NG SUPER KINIS NA PUWET

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 17, 2024



Photo: Jameson Blake / IG


Matino at maayos ang pagkakasulat ng Guilty Pleasure (GP) ni Direk Connie Macatuno.


Sa premiere night ng movie, ramdam na ramdam ang mainit na pagtanggap dito lalo’t may mga bagong ‘baon’ ang mga lead stars ng pelikula in terms of raw and new acting style.


Bukod sa tatlong main lead na sina Lovi Poe, JM de Guzman at Jameson Blake na may kani-kanyang lakas on screen (appeal wise at husay sa pag-arte), very impressive ang mga newcomers na sina Sarah Edwards, Dustin Yu at Angelica Yao.


Mapangahas din sila sa mga respective roles nila at halatang sineryoso nila ang anumang acting workshop na ipinagawa sa kanila.


But Guilty Pleasure is Lovi’s movie, napakahusay mag-interpret ni Lovi bilang isang lawyer na may personal and emotional conflicts na pinagdadaanan nang dahil sa love, lust, sex and being a good litigator.


May pa-puwet sa kanyang sexy scene si Jameson pero palaban din ang mapang-akit na mga pagtitig ni JM sa mga intimate scenes nito. 


Maganda ang materyal at pagkakasulat ni Noreen Capili sa GP at siniguro ni Direk Connie na mabalanse ang mga women’s issues sa loob at labas ng korte at bedrooms o mga lugar kung saan sa panahon ngayon, nagaganap ang mga sex scenes.


Very sexy, sensual at erotic ang mga shots na sinabayan pa ng mapanghalinang music at sound effects.


Hindi kayo bibiguin ng movie kung hanap ninyo’y makabuluhang mga eksena at husay sa pagganap at direksiyon. Hangad talaga naming panoorin ito ng marami. Palabas na ito sa mga sinehan nationwide.


 

Nakipagtikiman sa mas bata… 

ANAK NI SEN. GRACE, SUPORTADO ANG SEXY MOVIE NI LOVI


NAKASALUBONG namin sa hallway bago magsimula ang Guilty Pleasure (GP) screening ang pamangkin ni Lovi na si Brian Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe.


Sinuportahan niya ang Tita Lovi niya at nagpahatid pa ito ng balitang nagpapakumusta ang nanay niya na nagkataong busy that time.


“I always believe in her. I have no doubt about the greatness the movie has,” sagot nito sa

pangungumusta namin dahil sa pagsuporta niya kay Lovi.


At dahil mature naman na si Brian at liberal-minded, feel naming hindi niya iindahin ang mga sexy scenes ng tita niya sa halos mga kaedaran niyang leading men ni Lovi sa movie na sina JM at Jameson.


Ay, siya nga pala, nabalitaan din namin thru a common friend na may intensiyon din palang makipag-collab ng resources si Brian sa itinatag na movie production outfit ni Lovi at asawa nito.


Hmmm, dapat naman talagang ipagpatuloy ng angkan ng Poe ang paggawa ng mga movies, lalo’t ang mga yumaong FPJ at Susan Roces ay kapwa mga legends ng movie industry, ‘di ba?


 

MEANWHILE, tahimik ngayon ang beaucon community lalo na ‘yung mga laging nangunguna sa pag-iingay sa Ms. Universe.


Sa November 16 na ito magaganap sa Mexico at kung ikukumpara natin ang pag-iingay ng community para sa ipinapadala nating delegates in the past, tila nakakabingi naman ang silence ngayong mayroon tayong Chelsea Manalo as representative sa Ms. Universe 2024.


“Mabuti na ‘yun para walang expectations. Manalo, matalo, keri nating tanggapin,” sey ng mga netizens na big fans ng Ms. Universe at iba pang beaucon.


Pero sa totoo lang, ha, iba ang awra ni Chelsea kahit sabihin pa nating common ang looks niya dahil marami ring equally beautiful ‘colored’ delegates na katipo niya, malay naman natin.


However, meron pang 3 half-Pinay delegates na magre-represent ng country nila sa Ms. Universe.


Nandiyan sina Ms. New Zealand, Ms. Bahrain at Ms. Great Britain. Lahat sila ay nagkaroon na ng exposure at career dito sa ‘Pinas in one way or another kaya’t nakakatuwa na ring malaman na may dugong Pinoy sila. 


‘Yun nga lang, kahit kami ay nagtataka kung bakit malamlam nga ang mga Pinoy fans ng Ms. Universe ngayon.


“Mas maingay pa ‘yung sa Ms. Grand International at representative nating si CJ Opiaza. Baklang-bakla ang lola mo sa rampahan at pinag-uusapan lagi ang paandar nito,” hirit naman ng iba.


Yes, despite nga na tinatawag na cooking show ang MGI ng Thai owner nito, panay pa rin ang support ng Philippines dito.


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page