ni Angela Fernando - Trainee @News | April 22, 2024
Kinondena ng United States Commerce Secretary na si Gina Raimondo ang chip na nagpapatakbo sa Mate 60 Pro ng Chinese phone brand na Huawei at sinabing mas advanced ang chip na gamit ng America.
Matatandaang ikinagulat ng US ang paglalabas ng nasabing brand ng isang bagong phone na may makabagong chip nu'ng Agosto 2023.
Itinuturing ang Huawei Mate 60 Pro na isang simbolo ng pagbangon ng teknolohiya ng China sa gitna ng pagsisikap ng Washington na pahinain ang kakayahan ng kalabang bansa na maglabas ng mga advanced na semiconductors.
Naging simbolo rin ang nasabing cellphone brand ng teknolohikal na gyera at idinagdag ito sa tinatawag na entity-list nu'ng 2019 dahil sa takot na maaaring magsilbi itong spy sa mga mamamayan ng America.
Commentaires