top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hotshots, pina-flat ang Dyip; Pirates, 'di pinaporma ang Altas

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 29, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Sports | September 29, 2022



Kinahig ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang 100-92 panalo kontra Terrafirma Dyip sa 2022 PBA Commissioner’s Cup na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.


Kumayod si import Nicholas Rakocevic ng 45 points, 25 rebounds at dalawang assists upang akbayan ang Hotshots sa panalo at ilista ang 1-0 karta.


Bumakas sina Jio Jalalon at Ian Sangalang ng tig-12 at 10 markers para sa Magnolia ayon sa pagkakasunod.


Ipinakita ng Hotshots ang tikas nila sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang limang puntos na bentahe, 59-54 sa halftime.


Nanatili ang lamang ng Magnolia sa 3rd quarter, abante sila ng siyam, 80-71 papasok ng fourth quarter.


Uminit ang opensa ng Dyip sa payoff period nang makahabol sila at makalamang pa pero hindi nasindak ang Magnolia dahil nagawa pa rin nilang itakas ang mahirap na panalo.


Kumana si reinforcement Lester Prosper ng 41 markers at 19 boards pero hindi sapat upang itaguyod ang Terrafirma sa panalo.


Nalasap ng Dyip ang pangalawang sunod na talo sa dalawang salang.

Samantala, ginitla ng Lyceum of the Philippines University sa double-digit deficit pagdating sa 4th quarter ang University of Perpetual Help, 82-77 kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Pirates, para itarak ang 4-1 win-loss record sa e NCAA Season 98 men's basketball tournament. Lagpak naman ang Altas sa 2-3.


Trumangko agad ang Pirates sa 10 points, 66-56 bago sumampa ng fourth frame hanggang sa pamunuan nina Enoch Valdez at McLaude Guadana ang lagare sa 25 points. Nanaig ang Lyceum sa Perpetual Help ng 26-14, sa papaupos na fourth period.


Nag-ambag si Shawn Umali ng 10 points at eight rebounds para sa Pirates na umiskor ng 26 points kontra sa 22 turnovers ng Altas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page