Hotel binomba, 32 patay, 63 sugatan
- BULGAR
- Aug 4, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | August 4, 2024

Inihayag ng pulisya sa Somalia nitong Sabado na 32 tao ang namatay at 63 ang nasugatan sa isang pag-atake sa isang beach hotel sa kabisera na Mogadishu, noong Biyernes ng gabi.
Sinabi ng al-Shabab na kaalyado ng Al-Qaida sa Silangang Africa sa pamamagitan ng kanilang radio station, na ang kanilang mga tauhan ang nagsagawa ng pag-atake.
Ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si Maj. Abdifatah Adan Hassan sa mga mamamahayag, na isang sundalo ang namatay at isa pa ang nasugatan, habang ang natitirang mga namatay ay mga sibilyan. Iniulat ng mga saksi ang isang pagsabog na sinundan ng pagputok ng baril.
Noon pa man, may istorya na ang Lido Beach ng pagiging target ng mga militante na kaalyado ng al-Shabab. Siyam na tao ang namatay sa pinakahuling pag-atake noong nakaraang taon.








Comments