Horoscope | Setyembre 6, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 6, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 6, 2022 (Martes): Kumikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganda ng buhay mo. Minsan, nahahadlangan ito dahil iba ang napipili mong direksyon at pinatutunguhan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap tanggapin ang payo na huwag piliin ang maganda sa paningin. Kaya puwedeng hindi mo sundin ang payo dahil kapag nahihirapan ang isang tao, mas nagugulo ang kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-26-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pinagaganda ng langit ang iyong kapalaran dahil may natagpuang ilang bagay na sisira sa iyong pangarap. Aayusin ang mga ito nang magtuloy-tuloy ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-22-25-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang aatras sa hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Tinitingnan lang naman ng langit kung ikaw ay palaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-35.
CANCER (June 21-July 22) - Pinagbibigyan ang makukulit. Ito ang iyong masasaksihan at may matututunan kang aral sa buhay — ang makukulit, minsan ay nakakapagbigay din ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-18-21-25-27.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lantad ang malakas mong karisma. Gayunman, ang malakas ang karisma ay kinaiinggitan, kaya ang payo ay mag-ingat at maging alisto ka. Dahil ang kasunod ng mga inggitera ay ang maninira. Ngunit hindi sila magtatagumpay, bagkus, sila ay isa-isang mapapahamak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-18-22-24-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Higit na malakas na pang-akit ang taglay na talino ng isang tao. Kaya mas malakas ka sa kahit na sino dahil ang mga nasa paligid mo ay maaakit sa kakaibang talas ng iyong isip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-16-28-38-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipatupad mo ngayon ang matagal mo nang plano. Makakaasa ka na mabilis, maluwag at madali mong magagawa ito nang hindi namamalayan ng mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-20-23-29-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas na walang napapala ang naghahangad ng malaking halaga ng salapi na agad-agad ang gustong maging resulta. Huwag kang tumulad sa kanila, magsimula ka sa maliliit nang sa gayun ay mapasaiyo ang kaunlaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-22-24-27-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo, kaya huwag kang magtaka kung bakit kumukupas ang iyong sigla. Ang payo ay nagsasabing, maghanap ka ng bagong inspirasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-24-26-35-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ngayon ang malakas na sandata ng kapalaran na ang panngalan ay “Tapang at Lakas ng Kalooban.” Gamitin mo ito nang mapasaiyo ang gustong-gusto mong makamit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-25-38-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang lumayo. Nakalimutan mo na ba na ang mga umalis sa buhay mo ay muling bumabalik at sumusuko sa iyo? Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-20-25-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili dahil lang sa mga problema. Magsaya ka, ngitian mo ang iyong sarili at maglibang ka. Ang buhay mo ay tatakbo nang normal kahit dumadaan ka sa bako-bakong landas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-24-27-39-41.




Comments