Horoscope | Setyembre 29, 2020 (Martes)
- BULGAR

- Sep 29, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 29, 2020
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2020 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga biyaya mula sa langit. Ito ang iyong gantimpala sa mga kabutihang ipinakikita mo sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang iyong kailangan sa harap ng sitwasyon na nahihirapan kang tanggapin. Sa pagiging mahinahon, ang mga gusot ay naaayos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka sa nagbabait-baitan. Kapag nabiktima ka, lihim kang pagtatawanan at muli kang babalikan. Makipag-ugnayan ka lang sa mga dati mo nang kakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahuhulog ang loob mo sa isang may kakaibang bait na tumutulong sa ayon sa iyo ay hindi dapat tulungan. Hindi naman masama ito, sa halip, ito ay mabuti kung kayo ay magiging magkarelasyon. Masuwerteng kulay-violet.
CANCER (June 21-July 22) - Sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Ang hindi makiisa sa layunin mo ay aani ng kalungkutan at ang aayon naman sa iyo ay tiyak na susuwertehin. Masuwerteng kulay-peach.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kababaang-loob ang makikita ng mga tinalo mo. Dahil dito, mas mapapalapit sa iyo ang mapagmahal na langit at pagkakalooban ka pa ng maraming panalo. Masuwerteng kulay-red.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magparaya ka kahit agrabiyado ka. Hindi kawalan sa iyo ang hayaang makaiskor ang gustong mandaya. Siya ang mawawalan dahil ang ganitong kilos ay ayaw na ayaw ng langit. Masuwerteng kulay-brown.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumakas pa ang dati nang malakas mong karisma. Sa negosyo mo ito gamitin at huwag sa ibang bagay. Ito ay para mas mapakinabangan mo ang lumakas mo pang karisama. Masuwerteng kulay-white.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbababala ang araw na ito na mapababayaan mo ang iyong sarili nang dahil sa kaiintindi sa problema ng iyong kapwa. Kung mapansin mong nagkakatotoo ito, ayusin mo ang sarili mo. Masuwerteng kulay-green.




Comments