top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 27, 2022 (Martes)

BULGAR
Sep 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 27, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2022 (Martes): Lakas lang ng loob ang kailangan mo para makuha ang anumang gusto mo sa buhay. Ang malakas ang loob ay hindi nag-aalinlangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Kumbaga, ngayon ay hawak mo ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gagabayan ka ngayon ng isip mo, kaya ang payo, huwag mo munang pakinggan ang iyong damdamin at higit sa lahat, ikonsidera mo ang pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-24-26-35-37-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang madarama mo dahil ang gusto ng langit ay maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-25-32-33-42.

CANCER (June 21-July 22) - Iinit ang ulo mo ngayon. Hindi ito isang negatibong bagay, ang totoo, ito ang magsisilbing hudyat upang lalo kang magpursige sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-22-27-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga namimintas sa iyo. Gusto lang nilang mapalapit sa iyo dahil nakikita nila na ang malalapit sa buhay mo ay nakakabahagi sa mga suwerte na iyong taglay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-27-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan malaki ang tsansa na masimulan ang mga matagal mo nang gustong gawin para sa pagpapaunlad ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-11-16-22-26-31-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididkit ka ngayon ng langit sa pamilya mo at matutuklasan mo na kailangan ang pamilya upang magkaroon ng katuparan ang iyong malalaking ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-14-16-27-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayong alam mo nang hindi puwedeng ipilit ang gusto mo dahil marami ang masasaktan, mas magandang simula ngayon ay alalahanin mo na may mga nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-24-26-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong manindigan. Ang hindi mo kailangan ay ang wala kang desisyon. Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay magdesisyon ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-23-25-27-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo muna na ikaw ay mahiyain. Kumilos ka na may kumpiyansa sa sarili at makikita mo nang malinaw ang iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-21-28-29-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo mauunawaan ang magaganap sa buhay mo ngayon dahil mismong langit ang kikilos para malutas ang mga problema na kinakaharap mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-27-28-33-24-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap paniwalaan, pero totoo na ang masikip na daan patungo sa kaligayahan. Habang ang maluwag na daan ay daan ng kabiguan at masaklap na kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-24-29-31-36-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page