top of page

Horoscope | Setyembre 26, 2022 (Lunes)

  • BULGAR
  • Sep 26, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 26, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2022 (Lunes): Ang dala mo ay suwerte sa kahit sinong maging bahagi ng iyong buhay. Gayunman, bukod sa iba, ang suwerte mo ay dapat sa iyo mismo mapunta.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahihirapan ka, pero sa biglang tingin lang dahil aakalain mo na hindi umaayon ang takbo ng mga pangyayari. Gayunman, ang lahat ay para sa lalo pang pagpapaganda ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-16-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumilos at magsalita na parang inip na inip ka nang gumanda ang buhay mo. Mas makakabuti kung ikaw ay may positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-29-33-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ayos lang na mabagal ka ngayon. Ipahinga mo muna ang mabilis mong pagkilos. Makakabuti ito sa iyo dahil makikita at mapag-aaralan mo ang iyong mga plano. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-24-25-34-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Habang lumilipad ang mga ibon sa langit, sila ay masayang namamahinga. Huwag mong seryosohin ang iyong trabaho. Maganda na magsaya ka habang may ginagawa ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-22-23-36-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit dahil lang hindi ka maunawaan ng iba. Kahit kailan, hindi mabuti na pagharian ka ng inis. Huminga ka nang malalim upang mawala ang galit at inis mo at palagi kang manalangin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-20-21-25-28-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simplehan mo lang ang iyong buhay. Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun lang ang piliin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-15-26-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anumang sandali ay lalakas ang iyong imahinasyon. Kapag negatibo ang sumaiyo, bumalik ka sa reyalidad. Tandaan mo na maganda at kapaki-pakinabang lamang ang mayamang imahinasyon kung positibo ang resulta nito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-25-27-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dadapo sa iyo ang mga suwerteng inayawan ng iba dahil sila ay abala sa mga walang kuwentang bagay. Mamamalagi sa iyo ang mga ito kapag nagkawang-gawa ka sa mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-19-22-31-32-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim lang, kaya dapat ay hindi alam ng mahal mo na siya ay papasayahin mo. Puwede mo ring gawin ito sa ibang tao. Kapag marami kang napapasaya nang lihim, lihim ka ring bibigyan ng regalo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-23-28-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ay araw mo at ang iba pang araw ay iyo rin. Ang posisyon ng mga planeta ay makikitang pabor na pabor sa iyo at nakakontra sa mga lihim mong kaaway. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-27-30-31-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya at sigla ang dala ng hangin. Wala kang katwiran ‘pag nalulungkot ka. Ikaw ang saya, sigla at inspirasyon ng mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-25-26-34-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasusugatan ang isda na sumasalungat sa agos. Sakyan mo lang ang mga pangyayari, tulad ng alon, lumilipas ang luma at araw-araw, ang alon ay bago. Sa huli, ikaw ay sasagana at may pinakamalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-16-20-26-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page