Horoscope | Setyembre 23, 2020 (Miyerkules)
- BULGAR

- Sep 23, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 23, 2020
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2020 (Miyerkules): Magaling ka sa negosyo, kaya magnegosyo ka. Huwag mo nang subukan ang ibang larangan na hindi mo alam kung magaling ka o hindi.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hirap ang pagnenegosyo ngayon, huwag kang aatras dahil negosyo pa rin ang magpapayaman sa iyo. Kikita ka rin sa ibang bagay, pero hindi katumbas ng malaking kayamanan. Masuwerteng kulay-white.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapansin-pansin ang pagiging palakuwento mo at mabilis na pagsasalita. Isang malinaw na palatandaan ito na nagdaratingan na sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Huwag mong aksayahin ang mga biyaya at pagpapala na mapasasaiyo, sa halip, pahalagahan mo ito at sinupin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.
CANCER (June 21-July 22) - Tumaya ka ngayon sa negosyo, tiyak ang kita mo. Ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran kung saan ang mananalo ay ang gumagamit ng tiyempo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumamit ka ng nakaaaliw na salita bago mo sabihin ang iyong kagustuhan. Isang susi ito ng tagumpay na nagsasabing kapag masaya ang hihilingan, siya ay tiyak na hindi tatanggi. Mauswerteng kulay-pink.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi pumayag ang langit na talunin ka ng mga wala sa katwirang naiinggit sa iyo. Dahil dito, mas lalo kang pagpapalain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumakas pa ang karisma mo at kung sa negosyo mo ito gagamitin, walang duda na mas lalaki ito kaysa sa dati mong kinikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka ng paraan kung saan maginhawa mong magagawa ang gusto mong mangyari. Ang naghahanap ay nakakikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bilis ang susi sa lahat ng gusto mong mangyari. Ang kalaban mo namang mahigpit ay kabagalan, katamaran at kawalan ng sigla. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maraming suwerte ang darating sa iyo kapag hinaharap mo ang bawat araw nang may masayang puso at isipan. Huwag kang papatalo sa lungkot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sosobra ang tiwala mo sa iyong sarili. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda pero sa malalimang pag-aanalisa, mas marami kang mapakikinabangan sa sobrang tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-red.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay, ang pagdapo ng sariwang hangin sa pisngi mo ay magsisilbing hudyat sa mga suwerte na magsidapo sa iyo hanggang sa malubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-brown.




Comments