top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Setyembre 21, 2022 (Miyerkules)

  • BULGAR
  • Sep 21, 2022
  • 2 min read

Updated: Sep 22, 2022

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 21, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 21, 2022 (Miyerkules): Huwag kang matakot at mangamba dahil nakaalalay sa iyo ang langit hanggang sa ganap na umasenso at umunlad ang buhay mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga suwerte mo kahit may mga nakakasagupa kang problema. Dahil matibay ang iyong kalooban, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-24-39-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nalilipat sa iyo ang ilang suwerte na dumarating sa iba, pero dahil abala sila sa walang kuwentang bagay, umaatras ang mga ito at sa iyo mapupunta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-28-30-31-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil hindi makakasingit ang mga lihim na nagnanais na mabigo ka. Ang totoo, sila ang makakaranas ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-24-25-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong masira ang iyong personalidad. Kung ano ang sinabi mo, ‘yun ang gawin mo dahil napakahalaga sa tao ang may palabra-de-honor. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-24-27-34-37-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang iyong sarili dahil paano ka makakatulong sa mga gusto mong tulungan kung hindi mo muna papaunlarin ang iyong sarili? Ito ang tamang paraan para maayos ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-24-38-41-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil ang malalaking suwerte ay darating na sa iyo. Masasayang ang lahat kung hindi ka naman masinop at kung wala kang disiplina. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-17-25-26-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay. Ikaw ay kukupas, pero ang kakaibang regalo sa iyo ng langit ay puwedeng manariwa ang sigla ng iyong kapalaran. Dahil dito, mas maraming suwerte ang aanihin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-23-30-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakapinsala sa tao ang biglang pagbabago ng araw-araw na takbo ng kanyang buhay. Inirerekomenda na dahan-dahan mong baguhin ang iyong mga aktibidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-6-21-25-35-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo, kaya huwag mong lagyan ng kung ano-anong dekorasyon ang iyong mga dalangin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-24-28-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isip ang paganahin mo ngayon. Ito ang susi ng iyong panalo laban sa hamon ng iyong kapalaran. Hindi ka puwedeng magpatalo sa iyong damdamin. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-24-39-41-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo gamitin ang mga matututunan mong aral sa buhay. Hindi ka mabibigo tulad ng mga matigas ang ulo na akala ay alam na nila ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-17-30-32-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka nang may kumpiyansa sa sarili. Tiyak na maiilang ang iyong mga karibal at papasok sa isip nila na mahirap kang pabagsakin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-23-33-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page