top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 19, 2022 (Lunes)

BULGAR
Sep 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 19, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 19, 2022 (Lunes): Napabibilang ka sa masusuwerteng nilalang. Ang magagandang kapalaran ay kusang maglalapitan sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaasa ka na bibigyan ka ng kaluwagan ng iyong kapalaran, kaya puwedeng-puwede mong ituloy ang iyong mga plano at tiyak na hindi ka masyadong mahihirapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-28-30-37-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbubunga ng maganda ang bawat pagkilos mo. Kaya kumilos ka at huwag mo munang pansinin ang mga nakaraang araw na parang hindi umuusad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-25-28-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala at alisin mo rin ang iyong pangamba. Ang araw na ito at mga araw pang darating ay nakalaan para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-11-14-24-39-40-41.

CANCER (June 21-July 22) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Ang totoo, malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Mapapasaya mo na ang mga taong gusto mong pasayahin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-13-21-28-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit ang gusto mo sa buhay. Makakaasa ka na ito ay matutupad kahit pa ang mga ito ay may pagkaimposibleng mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-26-30-36-40-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumanig ka sa nasa mabuti. Huwag kang mag-alala dahil sa huli ay mauunawaan ka rin ng taong masasaktan sa gagawin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-25-32-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kambal na suwerte ang mapasasaiyo. Dahil ang matagal mo nang kahilingan sa langit ay makukuha mo at pagkakalooban ka pa ng dagdag na biyaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-28-35-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali. Ang nagmamadali ay kadalasang nadadapa at nasasaktan. Ngunit ang taong marahan ay nakikita ang mabuting hakbang. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-24-32-38-42-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumawa ka lang nang palihim sa magsasabi sa iyo na ikaw ay ambisosyo dahil ayon sa iyong kapalaran, kahit malaki ang iyong ambisyon, ito ay iyong makakamit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-20-23-31-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot kapag nawalan ka dahil ang kondisyon bago ka dapuan ang malalaking suwerte ay ang mabawasan ang nasa iyo. Ito ang mensahe at hiwaga ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-32-37-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo makukuha ang talagang gusto mo, pero ang mapasasaiyo ay mas maganda kaysa sa gusto mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-16-25-30-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinadagdagan ng langit ang kapos at kulang. Sa ngayon, kung may kulang sa buhay mo ay ipagkakaloob na ng langit para ikaw ay lubusang lumigaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-7-10-14-28-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page