top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 17, 2022 (Sabado)

BULGAR
Sep 17, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 17, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 17, 2022 (Sabado): Malakas ang iyong karisma, kaya mahirap kang tanggihan. Makukuha mo ang anumang gusto mo sa pamamagitan ng karismang ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka lang. Malalakas ang pagsubok sa iyong harapan, pero ang mga ito ay hindi kasing-lakas ng mga pagsubok na iyong pinagdaanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-23-29-30-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na isang malaking suwerte ang parang bagyo na namumuo sa iyong kapalaran ang labis mong ikagagalak. Humanda ka at anumang oras ay sasalpukin ka nito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-26-31-34-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumaban ka. Huwag kang umiwas sa mga hamon ng kapalaran. Nakamasid sa iyo ang langit, kung saan ‘pag nagpakita ka ng tapang, ang pinakagusto mo sa buhay ay ibibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-28-30-36.

CANCER (June 21-July 22) - Yumuko ka kung kinakailangan. Ibig sabihin, ang pagmamalaki ay dapat mong iwasan. Ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng malalaki at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-18-22-28-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo gawin ang iyong pangungulit at makakaasa ka na makukuha mo ang gusto mo. Huwag mong kalimutan na kahit ang mismong langit ay bumibigay sa taong makukulit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-20-23-28-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi humahapay ang matatag, kaya maging matatag ka. Ito ay magagawa mo kapag binalikan mo ang iyong nakaraang mga panalo sa hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-24-28-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo muna ang kakayahan ng mga taong dikit nang dikit sa iyo. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga hindi naman bagay sa iyo, gayundin sa mga mapagkunwari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-20-29-36-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakapit ang mga suwerte sa taong positibo ang pananaw sa buhay, kaya maging positibo ka. Habang umiiwas naman ang magagadang kapalaran sa mga taong negatibo, kaya hindi ka dapat maging negatibo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-23-28-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang araw kung kailan kailangan mong sumugod dahil ang mga kakumpitensya mo ay nahihirapan na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-29-31-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumarami ang isa, ganundin ang dalawa at tatlo. Kaya paramihin mo ang kaunting hawak mo ngayon. Tiyak na hindi ka mabibigo dahil ang langit ay nasa tabi mo at kakampihan ka sa anumang pagpaparami na iyong gagawin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-12-16-30-31-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakalipad ang mga may pakpak. Sapat ang iyong talino at karisma para maabot ang dulo ng iyong mga pangarap, kaya lakasan mo ang loob mo. Lumipad ka at dapat ay ngayon na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-25-39-43-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang kukurap. Ibig sabihin, ang pag-aalinlangan ay hindi dapat maghari sa iyong puso. Ituloy mo lang ang mga gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-10-11-15-26-34-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page