Horoscope | Setyembre 13, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 13, 2022 (Martes): Marami ang mga suwerte mo, pero ang ilan ay nasasayang dahil naibabahagi mo sa iba ang mga ito, kaya sila ang yumayaman, lumiligaya at umuunlad. Unahin mo ang iyong sariling kapakanan bago ang iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - May makukuha kang sikreto ng kapalaran mula sa taong tila walang galing at husay. Ito ay nagsasabing, ang taong walang pangarap ay dinadagsa ng suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-23-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Minsan ay niluluklok ng langit sa trono ang taong mahina ang personalidad. Ito ang nangyayari kapag ang malalakas ay ayaw magbigayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-24-37-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit makislap ang kulay ng isang bagay, tumatabang din na parang inumin na walang tamis. Mararanasan mo ito ngayon at mababagot ka sa paulit-ulit na galaw ng iyong buhay. Ngunit matapos ng mga ito, ang magagandang kapalaran ay darating. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-26-34-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag nakontrol mo ang iyong emosyon, ikaw ang mananalo at ang premyo ng kapalaran ay magandang kinabukasan kasama ang isang angat na angat ang kabuhayan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-7-12-18-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman nagbabago ang iyong kapalaran dahil nasa maganda pa rin itong kalagayan. Kaya lang, sa iyo mismo ay nagkakaroon ng pagbabago dahil ikaw ang nag-iisip ng negatibong mga bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-23-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Natanggap ang nasa itaas dahil dinaya ang pagpili sa kanya. Ngunit ang karma ay walang pinipili, kaya ang gumawa ng hindi mabuti ay aani ng masama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-24-26-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalik ang mga suwerte sa taong masayahin, kaya sila ang nagkakaroon ng marami at magagandang kapalaran. Ikaw ay mapabibilang sa kanila ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-23-36-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi gaanong apektado ng mahirap na panahon ang may naiipon. May mabubunot siya kapag talagang kailangan. Huwag kang hihinto sa pag-iipon, bagkus, paramihin mo ang mga ito. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-15-21-28-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagdamutan ang lalapit sa iyo, bagkus, gumawa ka ng paraan upang kahit paano, siya ay sumaya. Hindi naman siya ang taong walang ginawa kundi ang manghingi, mangburaot at manamantala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-25-29-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat masiraan ng loob dahil ang mga pangyayari ay salungat sa mga kagustuhan mo. Mas tumataas at tumatayog ang lipad ng saranggola kapag ang hangin ay nakakontra sa kanyang mga pakpak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-18-20-22-24.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masayang umaawit ang mga ibon kahit mainit ang panahon. Kumilos ka pa rin nang may sigla. Magugulat ka at hindi makakapaniwala na ang kaganapan ay aayon sa iyong mga gusto at plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-19-23-25-26-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Nakamasid ang langit at hindi ka pababayaan dahil ang higit na tinutulungan ng nasa itaas ay ang mga desididong tao na tulad mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-16-28-33-35.




Comments