Horoscope | Setyembre 12, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 12, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2022 (Lunes): Para makatiyak ka na ikaw ay magtatagumpay sa buhay, ang kailangan mo ay lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang atrasan, ito ang isabuhay mong susi ng tagumpay. Kapag ginawa mo ito, makakaasa ka na aabante ang iyong buhay at hindi ka babalik sa mahirap na kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-20-27-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong tanggihan ang inaalok sa iyo na pagkakakitaan. Kikita ka kahit pansamantala lang, umayaw ka na lang kapag hindi na gaanong positibo ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-22-24-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang iyong kagustuhan kapag mahigpit ang pagkontra ng marami. Sa ngayon, pagbigyan mo muna sila at maghintay ka ng tamang panahon para maituloy ang iyong mga plano at bagay na gustong-gusto mong matupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-7-11-15-23-36.
CANCER (June 21-July 22) - Muli kang bibigyan ng langit ng kaluwagan, kaya puwede mo nang ituloy ang mga naudlot mong plano. Mas mabilis mo itong magagawa ngayon at ito ay magbubunga ng maganda. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-21-28-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabayad ang may atraso. Oo, ngayon pagbabayaran ng mga nang-api sa iyo ang kanilang ginawa at ang nakakagulat pa, ito ang katotohanan na langit mismo ang maniningil sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-25-30-33-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpaawat. Ngayon mo ipakita na hindi ka natitinag at ikaw ay sobrang makulit dahil sa ganitong paraan, ang malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-25-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo ang nauna sa iyo. Wala namag epekto sa iyo kahit pa siya ay nauna dahil sa huli, mawawala siya at ikaw ang nakatakdang pumalit sa kanyang trono. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-23-35-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang laman ang maingay, kaya huwag mong bigyan ng halaga ang wala namang halaga. Hindi ka dapat magpaapekto sa ingay na walang kuwenta. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-9-13-19-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit mahina ang bagyo, mabubuwal ang bahay na hindi matatag. Ngayon mo kailangang maging matatag. Ilabas mo ang iyong magagandang katangian. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-21-23-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ang masusunod kahit malakas ang pagkontra sa iyo. Noon pa man, nagpapamalas ka na ng kakaibang kapalaran, kung saan ang gusto mo ay naipipilit at talagang natutupad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang bisa sa iyo ang magagandang payo dahil itutuloy mo ang iyong balak sa paniniwalang mas maganda ang gagawin mo kaysa sa mga payo nila. Sa panahong ito, mahiwagang gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-29-30-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka masisisi kung lalayo ka dahil kahit naman sino, kapag nahihirapan ay naghahanap ng paraan para magkaroon ng kaginhawahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-9-14-17-23-24.




Comments