top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 10, 2022 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2022 (Sabado): Lahat ng gusto mo sa buhay ay iyong mararanasan. Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na hindi ka bibiguin ng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang wala kang problema at magkakatotoo na ang mga problema mo ay isa-isang mawawala. Kung ano ang ikikilos mo ngayon, ‘yun ang magiging resulta ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-20-26-41-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ngayon ng langit. Makakatanggap ka ng mga biyaya na labis mong ikatutuwa, pero huwag mong kalimutan ang mga kapus-palad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong masilaw sa sarili mong kinang. Habang nagsasaya ka, alalahanin mo na minsan ay nangailangan ka, pero walang sumaklolo sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-26-27-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Unawain mo ang mga sumasalungat sa iyong mga kagustuhan. Aminin mo rin na may mga bagay na hindi maganda sa iyo. Sa ganitong paraan, tatakbo nang maganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-22-34-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ng madidikit sa iyo ngayon ay susuwertehin dahil ikaw mismo ang pampasuwerte ng mga taong malalapit sa iyo. Lihim kang pasasalamatan ng iba at ang iba pa ay lantad ang magiging pasasalamat sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-16-23-30-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong gustuhin ang itinapon. Mas maganda na maghanap ka ng wala pang may-ari kaysa sa maganda nga, pero inayawan na ng iba. Ito ang paalala ng kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-24-28-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaunawaan. Kahit masakit sa iyong kalooban, mas maganda na ibalik ang dati kaysa maghanap ka ng bagong pakikipagsapalaran na wala ring katiyakan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-25-27-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang inaalok sa iyo kahit hindi ito ang talagang gusto mo. Kahit paano ay gagalaw ang kapalaran mo na ngayon ay natutulog at walang anumang pag-usad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-24-28-32-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakabigla ang mga pangyayari. Ang hindi mo inaasahang makatulong sa iyo, siya ang mapagkukunan mo ng lakas, habang ang mga inaasahan mo ay walang silbi sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-28-30-31-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalakas ang iyong kapalaran. Mayayanig ang mga kontrabida sa buhay mo at tatanggapin nila na kahit masama ang loob nila na ngayon ay wala silang magagawa sa mga suwerteng nakapila at nagkakagulong dumarating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-11-15-25-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umulan man o hindi, babahain ng magagandang kapalaran ang buhay mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas, ito ang obligasyon mo, gayundin ang dapat mong gawin upang magtuloy-tuloy ang masaganang daloy ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-20-22-25.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iaangat ka ngayon ng kapalaran mo dahil nakita ng langit na nalulungkot ka sa ibaba, kung saan marami ang umaalipusta sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-21-27-30-31-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page