Horoscope | September 28, 2024 (Sabado)
- BULGAR

- Sep 28, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 28, 2024

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 28, 2024 (Sabado): Dala mo ang suwerte kahit saan ka man pumunta. Ang asikasuhin mo ngayon ay kung paano mo mapapaganda ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong patulan ang mga taong magtatangkang sirain ang iyong araw. Hayaan mo lang sila na magsalita nang magsalita. Sa totoo lang, ang salita ay salita lang naman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-15-19-23-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - May dalang suwerte ngayon ang iyong mga kaaway. Kaya ang payo para sa iyo, lihim kang magpasalamat sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-29-33-36-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali, dahil mas gaganda ang takbo ng iyong buhay kung magdadahan-dahan ka. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-10-14-26-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matangay ng mga palaangal at reklamador. Layuan mo sila dahil sisirain lang nila ang maganda mong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-8-16-29-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalapit sa iyo ngayon ang mga taong bigo. Bigyan mo sila ng inspirasyon nang sa gayun ay mabuhay ang kanilang dugo at kasiglahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-18-22-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mainip, dahil kumukuha lang ng buwelo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-20-24-32-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng talunin ngayon ng kalungkutan. Dahil kapag malungkot ka, hindi ka gaanong makakausad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-23-30-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumawa ka ng paraan para mas mapalapit ka pa sa mga taong lihim mong minamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-21-27-33-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang makulimlim na kalangitan, bagkus ituloy mo lang ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-25-33-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong panghinayangan ang mga taong mawawala sa iyo. Mas lalong lumalago ang halaman, kapag nababawasan ng mga dahon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-24-28-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Gawin mo na anumang gusto mo, dahil nakaalalay naman sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-25-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masamang talikuran ang mali. Ang masama ay ipagpatuloy pa ang isang pagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-19-23-39-44.






Comments