Horoscope | Disyembre 7, 2025 (Linggo)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 7, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2025 (Linggo): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya na puwedeng magpayaman sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalawak ngayon ang iyong pang-unawa . Kaya naman magagandang plano ang namumuo sa iyong isipan, daan upang matalo mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-21-29-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo para hindi ka maligaw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-24-26-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat maantala ang mga plano mo dahil lang sa mga taong hindi naniniwala sa iyo. Tandaan mo, hindi mo sila kailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-25-29-33-44.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbabala na ang mga negatibong pananaw at hindi ka nila titigilan. Mas mabuting magbalik-tanaw ka sa mga nakaraang mabibigat na pagsubok na iyong napagtagumpayan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-11-18-28-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag madami ang hinihingan ng payo, mas naguguluhan ang tao. Gawin mong simple ang lahat, at sundin mo lang ang taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-23-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay naghahangad ng magandang buhay. Kaya lang, mas madami ang hindi naman tinututukan ang mga bagay na magpapaganda sa kapalaran nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-19-25-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Naiiba ang kilos ng tao kapag umaawit ng masayang musika. Ito ang solusyon sa kasalukuyang pananamlay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-22-29-32-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinakamalaki sa mga pangarap mo, iyon ang tutukan mo! Wala kang dapat ipag-alala. Kahit hindi mo agad makamit, tiyak na susulong nang malaki ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-17-28-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit nakaramdam ka ng pagod, huwag kang hihinto, lalo na’t malapit mo nang maabot ang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-26-30-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang itanim mo, iyon ay lalaki, lalago, at mamumunga ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-25-27-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi basta-basta sumusuko ang makulit hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Tularan mo ang ganitong determinasyon upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-23-29-31-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasulong ang lakad ng mga paa, kaya dapat pasulong din ang buhay mo. Hindi maganda kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-28-33-35-43.






Comments