Horoscope | September 21, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 21, 2021 (Martes): Matataas na posisyon ang para sa iyo. Hindi ka puwedeng nasa ibaba at kung hindi sinasadyang napunta ka sa ibaba, itataas ka ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanap ka ng bagong paraan para mas kumita pa ang iyong negosyo. Rito sa mundo, sa larangan ng hanapbuhay, ang laging kailangan ay bago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-19-20-22-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papalakas ang mga suwerte mo. Sa ngayon, puwedeng-puwede mo nang simulan ang mga proyektong hindi mo pa nagawa dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-28-30-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang balikan pa ang nagbigay sa iyo ng matinding kabiguan. Kapag napaso ang daliri, kusa itong umaatras at hindi na muling magtatangkang hipuin ang nakapaso sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-23-26-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kulang ka sa saya kaya maghanap ka ng magpapasaya sa iyo. Kulang ka sa ligaya kaya makipagsapalaran ka sa puwedeng magbigay sa iyo ng ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-26-33-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mataas ka kaya kailangan mong bumaba. Gawin mo at magugulat ka dahil muli kang tataaas na mas mataas pa kaysa sa dating naabot mong matataas na kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-28-31-32-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na kakampihan ka ng langit. Dahil dito, silang naninira at nang-iintriga sa iyo ay mapapahamak, habang ikaw ay tuloy-tuloy na susuwertehin at pagpapalain nang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-17-22-27-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumikilos ang mga bituin sa langit upang pag-isahin ang kanilang lakas para mas mapabilis ang katuparan ng mga mala-imposible mong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-17-26-28-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ligaya ang lunas sa lungkot. Hindi dapat pabayaan ang karamdaman at ang lungkot ay isang sakit ng kalooban na kailangang malunasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-22-24-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang tunay na turo na nagsasabing ang hanapin mo ay ang wala ka pa. Ito ang lihim na susi para sa ganap na kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-12-20-21-28-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumapit ka sa malayo. Umagwat ka sa malalapit sa iyo. Ang lahat sa mundo ay dapat papalawak nang papalawak, papalaki nang papalaki at papalago nang papalago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-17-20-25-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iangat mo ang iyong mga paa. Ito ang hiwaga sa paglakad at sa pagpunta sa malayo. Kung gusto mong marating ang iyong pangarap, muli, iangat mo ang iyong mga paa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-16-24-27-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na ang tao ay walang aktibidad. Kahit pa ang gusto mo ay mapag-isa ka, bumilang ka nang isa, dalawa, tatlo at tuloy-tuloy pa. Bilangin mo ang iyong naging tagumpay sa buhay at ang mga sandali na naging masaya ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-22-29-30-31.




Comments