Horoscope | September 20, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 20, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2021 (Lunes): Marami ang mananamantala sa iyong kakaibang kabaitan, pero ito rin ang dahilan kaya mas mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ngayon ng iyong damdamin. Kahit tutol ang iyong isip, ito ay hindi mananaig. Ang minsang nandaya sa iyo ay hahayaan mong muli kang maisahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-29-24-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabalisa dahil sa mga problema. Handang umalalay sa iyo ang langit dahil ikaw ay nakitang may magandang kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-24-28-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Munting kabiguan, aakalain mong malaking bagay. Ang tutukan mo ay ang mas malalaking oportunidad kung saan nag-aabang sa iyo ang walang katulad na kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-27-39-40-41-44.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Maging masinop ka sa biyayang mapasasaiyo. Huwag kang tumulad sa iba na nang suwertehin ay inubos sa walang kabuluhang pagsasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng kabaitan ngayon at tatanggap ka ng malaking pagpapala. Hindi mahalaga kung kakilala mo o hindi ang gagawan mo ng kabutihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-38-42-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ka ngayon at malabong masimulan mo ang mga proyektong magpapaunlad sa buhay mo. Ang kailangan mo ay isang tagatulak na matalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang susuko. Sa halip, ituloy mo ang iyong laban. Hindi mananalo laban sa iyo ang mga karibal mo dahil sa biglang tingin lang naman sila malalakas pero sila ay mas mahina sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-25-30-33-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang iyong kapalaran kung saan inaayos ang mga mali sa buhay mo. Sa pagsasaayos, maaaring akalain mo na hindi umaayon sa mga kagustuhan mo ang takbo ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-26-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinay-hinay lang. Hindi mangyayari sa araw na ito ang mabilisang pagsugod at pagpapakita ng lakas ng loob. Muli, hinay-hinay lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-29-30-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahinga ng katawan at isipan ang kailangan mo. Mas magandang mamasyal sa mga tanawing nakakapanariwa ng pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-17-22-25-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong makaporma ang mga karibal mo. Huwag kang mabahala dahil sa huli ay aani sila ng masaklap na kahihiyan at kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-14-26-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man kalakihan at karamihan ang mga mapasasaiyo, sapat pa rin para masabi mong ikaw ay pinahahalagahan ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-21-24-34.




Comments