Horoscope | September 19, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 19, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 19, 2021 (Linggo): Kabilang ka sa iilang masuwerte sa buhay dahil kahit hindi ka gaanong magsikap, gumaganda pa rin ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag masaya ka, dadapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Kaya hindi makabubuti sa iyo kung magpapatalo ka sa kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-20-25-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tulad ng munting binhi, lalago ang maliliit na suwerteng mapasasaiyo. Ito na ang pagkakataong hinihintay mo kung kailan abot-tanaw mo na ang pagyaman mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-26-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mabibigo. Sa halip, sobrang sasaya ka dahil ang bunga ng iyong pagsisikap ay mas marami kaysa sa iyong inaasahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-23-24-27-43.
CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka madadalian, doon ka. Oo, hindi mo kailangan ngayon ang mamuhunan ng pagod at hirap. Makakaasa ka na ang langit ay makikiisa sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-18-20-39-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kusa kang lalapitan ng mga suwerte kahit wala kang ginagawang anuman. Noon pa nagpasya ang langit na ang araw na ito ay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-22-23-39-41-48.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahatulan ngayon ng langit ang mga nanghuhusga sa iyo. Ang mararanasan nila ay parusa sa utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-16-31-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka! May ilan na magtatangkang samantalahin ang kabaitan mo dahil ang masamang motibo ay nagkukubli sa masayang kausap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-17-21-28-40-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magtanong at ang mas masama ay ang magdunung-dunungan. Magtanong ka sa mga may alam nang sa gayun ay maiwasan mong mapahamak. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-23-32-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang kapalaran mo na kapag lumabis ang iyong tiwala, ang malaking pagkalugi ay naghihintay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-16-22-40-42
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ng langit nang sa gayun ay hindi ka gaanong mahirapan sa mga gawaing ngayon mo palang mararanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-25-30-39-41-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mo ang gusto mo. Hindi makagaganda para sa iyo ang mag-alinlangan na para bang takot ka nang kumilos nang malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-28-40-45-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ituloy mo ang mga plano mo at makikita nilang hindi ka nila dapat kinontra. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-26-31-33-36-42.




Comments