Horoscope | September 18, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 18, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 18, 2021 (Sabado): Makakamit mo ang malalaking ambisyon kaya huwag kang susuko sa mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka sa mga araw na ito. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at silang mga lihim na naghahangad na mabigo ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-21-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo. Mismong langit ang magpapadala ng mga aalalay sa iyo at magsasakripisyo para matupad ang mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-13-17-23-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Makararanas ka ng sitwasyon kung saan hindi mo magawa nang mabilis ang iyong mga gustong gawin. Ang kailangan mo ngayon ay dagdag na pahinga at maiksing pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-20-25-34-35.
CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo ang iyong paninindigan sa harap ng mga sumasalungat sa iyo. Makikita mo na sa huli ay makikiisa sila sa iyo at ang ibang tao ay sobrang hahanga sa paninindigan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-16-18-29-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalakas ang loob mo at tatapang ka dahil makikita mong gumagaan na ang buhay mo. Gayunman, ang payo ay nagsasabing hindi dapat magbago ang kasalukuyang ginagawa mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-28-30-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat matangay ng mga negatibong pananaw ng mga taong nasa paligid mo dahil masasayang at mababalewala ang magandang pagkakataong nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-20-25-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sapat ang magagandang nakaraan mo para maging inspirasyon ngayong kailangang-kailangan mo ang mabilisang pagkilos na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-21-27-34-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Mas magandang balikan mo ang nakaraan na ikaw ay nagtiwala pero sa huli ay napahamak ka lang at ikaw ay sobrang nasaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-29-30-33-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Talasan mo ang iyong pakiramdam dahil isang munting suwerte ang mapasasaiyo. Ito ay masusundan pa ng naglalakihan at magagandang kapalaran. Magpasalamat ka palagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-26-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong hindi mo kakayanin ang pagsubok na nasa iyong harapan. Pero kapag hindi mo inatrasan, ikaw mismo ay mamamangha dahil ito’y iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-25-28-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili ngayon. Kahit kailan, ang anumang sobra ay hindi maganda at minsan pa nga, ito ay sanhi ng masasakit na kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-14-20-21-23-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo ngayon ang iyong tapang. Makakaasa ka na tatanggap ka ng premyo mula sa langit. Ang premyong mapasasaiyo ay napakalaking suwerte na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-29-30-31-40.




Comments