Horoscope | September 16, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 16, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 16, 2021 (Huwebes): Kapag napansin mong hindi maganda ang takbo ng iyong kapalaran, lumayo o pumunta ka muna sa malayong lugar. Sa ganitong paraan, magbabalik ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglalabas-pasok sa isip mo ang naggagandahang ideya. Kung mamimili ka kahit isa lang at iyong lalakipan ng pagkilos, walang magdududa na ang buhay mo ay mas gaganda pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-30-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong naiisip mo. Mas maganda na tutukan mo ang iyong mga pangarap. Isa pa, magandang lumaban ka sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-25-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos mo ngayon dahil masisingitan ka ng pagdududa sa gusto mong mangyari. Ito ay pansamantala lang dahil muling lalabas ang hilig mong makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-28-32-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tatabihan ka ng suwerte mo, kumbaga, lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Huwag kang mabibigla dahil kadalasan, ang tao ay nagugulat sa mga bagong kaganapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-28-39-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hayaan na matalo ka ng init ng ulo. Huwag mong kalimutan na kahit kailan, ang init ng ulo ay hindi maganda ang ibinubunga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-28-30-39-40-41-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo ang alam mong magpapaganda sa buhay mo. Hindi ka dapat maapektuhan ng mga kontrabida. Tatag lang naman ng kalooban ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-16-25-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Baka nakakalimutan mo na ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing kung saan ka masaya, roon ka. Kapag hindi ka na masaya, mas magandang layuan o takasan mo ang lugar o sitwasyong nagpapalungkot sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-28-35-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Ibig sabihin, malaki ang epekto mo sa iyong kapwa. Kaya ang payo, maging positibo ka nang sa gayun, ang mga nasa tabi mo ay maging positibo rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-27-30-39-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpipilit ang mga kontrabida sa buhay mo na maisahan ka. Kaya lang, wala naman silang magagawa dahil malakas ang puwersa na magpapaganda pa ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-15-24-26-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling nananalo ang minsan nang nanalo. Ibig sabihin, magtatagumpay ka ulit. Hindi totoo na minsan ka lang nanalo dahil ang mga suwerte ay palaging nag-aabang sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-29-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na magbabago ang takbo ng iyong kapalaran, pero ang lahat ay iisa lang din ang patutunguhan kung saan ikaw ay magkakaroon ng masaya at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-12-25-30-41-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag na ang pangalan ay “Liwanag ng Magandang Buhay.” Ngayon ang pagkakataon mo para tuluyan kang magtagumpay sa buhay. Kumilos ka at ‘wag nang mag-alinlangan pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-22-26-39-45.




Comments