Horoscope | September 15, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 15, 2021 (Miyerkules): Hindi ka kakapusin sa mga suwerte dahil mula nang ikaw ay isinilang, ang mga ito ay nasa kapalaran mo na. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumamit ka ng magagandang salita na matatamis pakinggan. Ito ang isang sikreto sa pagpapaunlad ng negosyo na kapag napasaya mo ang isang tao, makukuha mo ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-17-21-27.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simpleng ngiti mula sa iyong mga labi ang magpapabago sa buhay mo. Hindi ka lang sasaya dahil yayaman ka pa. Maaakit mo ang may kakayahan na bigyan ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-17-20-28-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakaakit na kilos ang hindi sinasadyang makikita sa iyo. Ang malungkot ay iyong mabibihag at ikaw ay magiging inspirasyon ng kanilang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-28-31-33-38.
CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ikaw ay makikitang tipid na tipid sa pagkilos pero magiging magastos ka dahil ang mga suwerte ay magpabalik-balik sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-18-21-24-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bawal sa iyo ang sumulyap at tumitig sa mga bagong kakilala. Dahil bagong kakilala mo lang sila, hindi mo pa alam ang kasaysayan ng kanilang buhay at magagayuma ng iyong mga mata. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-16-20-24-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahangaan at mamahalin ka dahil sa kakaibang talas ng iyong isip. Bihira ngayon ang mga tunay na matalino at gaya mong sobrang malakas ang dating sa mga nakakakuwentuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-13-16-21-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo na ang anumang gusto mong gawin. Ngayon mo rin hilingin sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-22-28-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Babala ng iyong kapalaran, lalapitan ka ng hindi marunong tumupad sa obligasyon. Ang payo, pansamantala kang magdamot sa mga hihingi ng tulong sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-15-27-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasagap mo ang paparating na mga suwerte. Ibig sabihin, madadagdagan ang iyong dumaraming kabuhayan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-22-29-31-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak-hawak mo ngayon ang barahang alas. Ibig sabihin, matatalo ang lalaban sa iyo habang susundin ka naman ng gusto mong sumunod sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-24-26-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala sa bahay ang malalaking suwerte mo. Ang totoo nga, simpleng lumabas ka lang, magbabago na ang daloy ng mga suwerte sa iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-23-25-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang at nagkunwari kang masunurin. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran na ang mag-uutos sa iyo ay hindi niya mamamalayang malilipat sa iyo ang kanyang mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-7-10-14-18-20.




Comments