top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 8, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 8, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2021 (Lunes): Kahit naman malalaki ang pagsubok sa buhay mo, mas malalaki naman ang mga suwerteng nakalaan sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inihahanda ka ng iyong kapalaran sa pagdating ng malalaking suwerte. Pinatatatag ka nang sa gayun ay hindi masayang ang mga ito ‘pag napasaiyo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-23-39-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gamitin ang iniregalo sa iyo na munting bagay. Ito ang iyong pinakamabisang pampasuwerte. Dapat mong malaman na wala itong kabuluhan kapag nakatago lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-21-37-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo ang pagkilos pagkatapos mong magdesisyon. Ito ay para hindi ka masingitan ng mga negatibong ideya na magreresulta sa iyong panghihinayang at pagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-26-31-36-39.


CANCER (June 21-July 22) - Ipanatag mo ang iyong kalooban, mas magandang kalmado ka lang sa harap ng mga pagsubok na pinagdaraanan. Ito ang susi upang malagpasan mo ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-32-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malaking bagay para sa mga akala ay wala na silang pag-asa ang iyong masayang pakikiharap sa kanila. Makikitang muli silang sisigla para harapin ang kanilang mga bagong umaga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-23-24-26-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang sandata mo laban sa anumang hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan. Kaya ang damdamin mo ay hindi dapat manghimasok sa iyong pagpapasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-15-29-39-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lang, isuot mo ang damit na iyong panlakad. Ito ay sa dahilan na ang pinakaepektibong pampasuwerte mo ay ito na mismo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-25-34-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palagpasin mo ang init ng ulo ng isang tao. Hindi dapat magkabangga ang init sa init. Nawawala ang alab ng apoy kapag hinayaan lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-23-28-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Pinasasaya mo ang ibang tao, pero ang iyong sarili ay madalas mong nakakalimutan. Kapag masaya ang sarili, lumalabas ang mga nakatagong suwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-15-16-33-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Pahalagahan at mahalin mo ang magagandang bagay na mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-21-27-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat, sundin mo lang ang payo ng iyong kapalaran na ang mga ayaw mong gawin ay gawin mo. Ito na mismo ang magbibigay sa iyo ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-22-25-41-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suriin mo ang iyong sarili at ang mga gusto mong mangyari. Ang araw ngayon at ang ilang araw pang darating ay para sa balik-tanaw sa kung ano ka at ang iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-26-27-30-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page