top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Pebrero 4, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 4, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2021 (Huwebes): Ituloy mo lang at huwag kang mag-aalinlangan sa iyong pagsisikap na makamit ang iyong mga pangarap. Mapasasaiyo ang mga ito at ito ang tiyak.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtatangka ang ilang kontrabida sa buhay mo na hadlangan ka sa papasulong mong buhay. Mga negatibong pananaw ang maririnig mo na parang totoo, kaya huwag kang sumakay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-11-20-35-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos dahil kapag hindi ka naging abala sa pagkilos, sa maniwala ka o hindi, mawawalan ka ng tiwala sa kakayahan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-26-28-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa malungkot dahil baka mahawa ka. Tulad ng isang sakit, ang kalungkutan ay nakahahawa rin. Kapag malungkot ang tao, nawawalan siya ng gana na magsikap sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-27-31-36-43.

CANCER (June 21-July 22) - Sundan mo ang yapak ng mga nagtagumpay na. Ito ay isang simpleng susi ng buhay na maunlad, ibig sabihin, hindi puwedeng hindi ka gagalaw o hahakbang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-29-30-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bilang pagtatapat sa iyo, tunay na may kahirapan ang pagtahak mo sa landas ng tagumpay, pero ito ay pansamantala lang, ngunit tinitiyak din ng iyong kapalaran na ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-23-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ang mga inggit sa iyo upang pabagsakin ka. Hindi sila mananaig at sila ang magsisibagsak. Ito ang nakatutuwa sa iyo dahil sa dami ng iyong kahinaan, ikaw pa rin ang panalo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-23-30-38-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong bigyang-pansin ang iyong mga naririnig na usapan sa iyong paligid. Maganda man o pangit ang mga ito, ‘wag mong pakialaman, sa halip, ituloy mo ang iyong sariling diskarte sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-17-20-21.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong tinatahak, pero inaakala mong maraming sagabal, pero ang mga ito ay nasa isip mo lang naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-27-29-30-32-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para sa iyo ang mga araw ngayon, gayundin ang mga araw na darating. Pagbutihin at ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-20-21-40-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Gawin mong batayan kung ano ang nakikita dahil ‘yun ang katotohanan at ang kasinungalingan ay nakatago sa mga kuwentong naririnig mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-29-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabahala kapag ang mga kaganapan ay parang sobrang bilis natatapos. Ito ay isang proseso ng katalagahan kung saan sa huli, ikaw ang pinakasuwerte sa lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-27-30-33-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka hihingi ng tulong kung sasakit lang ang ulo mo sa tutulong sa iyo? Subukan mo munang gawin mag-isa ang gusto mong mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-20-30-32-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page