Search
  • BULGAR

Horoscope | Pebrero 28, 2021 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2021 (Linggo): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang iba ay kailangan pa ng todong pagsisikap, pero kahit hindi ka gaanong magsikap, kusang gumaganda ang iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hanapin mo ang saya dahil kapag masaya ka, mas bumibilis ang iyong pag-asenso. Layuan mo ang lungkot dahil kapag malungkot ka, halos hindi ka na makakilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-27-30-35-41-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ngayon ng iyong suwerte. Ito ay literal na nagsasabing, ang papasyal sa iyo ay ang taong panggagalingan ng mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-24-28-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaatang sa iyong balikat ang pagpapasya ng mga tao. Maghanda ka at palakasin mo ang iyong sarili. Gayundin, ang madalas na pagsasanay, kahit kailan ay pinakamahusay na preparasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-20-29-35-39-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng malungkot na buhay ng isang malapit sa iyo. Iwasan mong maging emosyunal dahil ang bugso ng damdamin ay hindi makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-17-26-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong magpapasaya sa mga kabataan. Isang utos ito mula sa langit na kapag iyong nasunod ay babaha ng mga suwerte sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-23-39-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaratingan ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Manatili kang positibo at pamalagiin mo rin na may tiwala ka sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-21-27-31-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamahaling hiyas ang katumbas mo ngayon. Marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay dahil inspirasyon ang hatid mo sa lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-16-22-25-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit parang tinatamad ka, gumaganda pa rin ang takbo ng iyong buhay. Ganito ang pagmamahal sa iyo ng langit kung saan hindi ka Niya iiwanan kahit may mga pagkukulang at kahinaan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-33-35-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang kaya mong kunin. Damputin mo ang kaya mong damputin. Ang mga suwerte ay lalagay sa iyong harapan at ito ay mapasasaiyo kung iyong tatanggapin at aangkinin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-17-23-30-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higpitan mo ang iyong hawak sa mga bagay na nasa iyo na. Hindi ka dapat matulad sa marami na nagsasayang dahil lang gustong magsaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-16-22-27-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masiyahan. Kunin mo pa rin ang suwerteng nagdaratingan. Bakit ka makikinig sa sinasabi ng iba na dapat ay makuntento ka? Walang nakaaalam sa mangyayari bukas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-24-26-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang masayahin, siya mismo ang iyong suwerte. Simpleng dumikit ka sa kanya at bubuwenasin ka. Gawin mong bahagi siya ng buhay mo at tiyak gaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-25-28-31.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.