Search
  • BULGAR

Horoscope | Pebrero 27, 2021 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 27, 2021 (Sabado): Lakas ng loob lang naman ang iyong kailangan para ikaw ay yumaman. Kahit malakas ang loob ng iba, bigo pa rin sila.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Puwede mo nang gawin ang anumang gusto mo, pero mas magandang unahin mo ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan dahil sa iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-30-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinay-hinay lang. Mas maganda pa rin kung pinag-aaralan mo nang mabuti ang bawat ikikilos mo nang sa gayun ay makaiwas ka sa masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-13-20-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang ikikilos mo dahil kahit hindi ka nag-isip nang mabuti, ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-24-35-45.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito gabay ng iyong kapalaran, ito ay tiyak na iyong mararanasan kung saan mabibigla ka at masasabi mo ang iyong mga sama ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-29-38-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil baka makawala ang galit sa loob mo. Mas maganda pa rin ang magpatawad sa mga nagkasala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-33-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang tamang panahon para sa iyo sa pagbuo ng matagalang plano sa pagpapaganda ng kinabukasan mo dahil hindi ka maaapektuhan ng mga gustong makialam sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-24-28-33-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong maghintay ang umaasa sa iyo. Kakaibang payo ito, pero sa kanilang paghihintay ay gagawa sila ng magagandang bagay na labis-labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-24-37-42-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa pagsasakripisyo para lang sa iba. Magsakripisyo ka pero dapat mo ring pahalagahan ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-20-21-25-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang sinumang manghihimasok sa buhay mo. May sarili silang buhay at ‘yun ang dapat nilang asikasuhin. May sarili ka ring buhay, ibig sabihin, ito ay iyo at hindi sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-11-18-24-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higit kailanman, hinahon ang iyong kailangan. Sa pagiging mahinahon, ang isipan at pang-unawa ay gumagana kaya ang tao ay hindi magkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-20-24-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang pakialam kung tama o mali ang iyong sasabihin at gagawin. Ang mahalaga ay masabi at magawa mo ang iyong gusto. Ito ay tiyak na mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-21-25-27-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matapang at tatapang ka. Dumikit ka sa malakas ang loob at lalakas din ang iyong loob. Sa ngayon, kung sino ang nasa tabi mo ay may malaking impluwensiya sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-24-36-44.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.