Horoscope | Pebrero 23, 2021 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2021 (Martes): Bilis ang magdadala sa iyo sa maraming tagumpay. Kaya kahit kailan, sa lahat ng panahon ay huwag na huwag kang mag-aalinlangan sa iyong kakayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka pumunta, nakasunod sa iyo ang mga suwerte. Hinihintay lang nito na maging positibo ka, kaya ang mga negatibong pananaw ay iyo nang ibasura. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, sa pagdikit mo sa mga masayahin, ang mga suwerte mo ay mabilis na magdaratingan sa iyong buhay. Maganda rin kung lalayo ka sa mga iyakin at paladaing. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Mananatiling nakaalalay sa iyo ang langit. Wala kang dapat ipag-alala kahit ang mga kagustuhan mo ay may pagkaimposible o mahirap mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-9-15-16-26-30.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang mga kagustuhan mo. Ito ang sikreto para hindi ka mabigo. Kapag ang mga kilos ay positibo, positibo rin ang magiging mga resulta. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-18-22-36-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka. Sa pagiging marahan, nakikita at maaagapan ang hindi magagandang puwedeng mangyari. Muli, magdahan-dahan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-35-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Ito ay dahil ang mga nanalo ay nakipagsapalaran, pero ang takot makipagsapalaran ay mapabibilang agad sa mga talunan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-19-23-33-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong walang magawa kundi ang intrigahin ang buhay mo. Magsasayang ka lang ng mga oras na puwede mo namang gamitin sa makabuluhang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-24-29-30-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka. Aktibo na naman ang mga mandaraya na idinaraan sa matatamis na salita ang panloloko sa kapwa. Kapag napansin mo ang iyong kausap na ganu’n, lumayo ka agad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-21-25-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat maiwanan. Kapag ibinigay ng karibal mo ang kanilang todong-lakas, dapat ay ganu’n ka rin. Sa ganitong paraan, mananatili kang angat sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-18-26-30-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang takot mo ngayon na sugurin ang katuparan ng iyong malalaking pangarap. Magtataka ka sa sarili mo dahil alam mong ikaw ay likas na mahina ang loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-25-26-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas magandang gabayan ka pa rin ng lumang katuruan na daig ng maagap ang masipag. Ito ang tunay na dahilan kaya hindi sapat ang kasipagan para umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-14-23-27-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang sigla ang nasa iyo. Ikaw ay makikitang kung anu-ano ang iniisip at gustong gawin. Ito ay malinaw na palatandaan na nagsisimula na ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-19-20-26-31.




Comments