top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Pebrero 17, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 17, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2021 (Miyerkules): Hindi masasayang ang mga pagsisikap mo dahil aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pinagpaguran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo kontrolado ang sitwasyon sa araw na ito. Makabubuting huwag kang sumalungat sa agos ng buhay habang naghihintay ka ng magandang araw para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-20-24-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakaharap mo na nang mukhaan ang kabiguan. Kaya wala nang dahilan para hindi ka lumaban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-24-39-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Bubukas ang maraming pintuan ng oportunidad para sa iyo. Piliin mo lang ang tugma sa linya mo at puwede mo ring subukan ang tugma sa mga hilig mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-20-25-36-42.

CANCER (June 21-July 22) - Balewalain mo ang mga negatibong pananaw na labas-pasok sa isip mo. Kumilos ka ayon sa naiplano mo na at huwag mong baguhin o palitan ang mga paraan na nasa iyong plano. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-17-25-38-41-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hanggang sa kapwa mo tao ka umaasa, hindi uusad ang iyong buhay. Kalimutan mo ang kanilang pagkukulang sa iyo dahil mas magandang magagawa ng langit para sa iyo ang tanawin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-21-25-27-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mabibigo kahit pa sa biglang tingin ay wala kang bilib sa iyong sarili. Dahil ang kapalaran ng tao ay kontrolado ng langit at hindi ng kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-25-31-32-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito ay mangyayari sa gusto o ayaw mo kung saan ang nagpapakita sa iyo ng maganda ay mabibisto mo ang katotohanan na hindi pala tapat sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-21-23-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit nakabukas ang pintuan ng magandang pagkakataon para sa iyo na gumanda pa ang buhay mo, hindi ka papasok dahil sa ang pag-aalinlangang hindi mo matatalo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-29-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung mainit ang ulo mo, lumayo ka sa kinaiinisan mo. Hindi makabubuti kung makikipagbungguan ka sa hindi mo naman kapantay o kauri ang kanilang pagkatao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-20-23-33-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Mas magandang isa-isahin mo ang mga tagumpay na napasaiyo sa nakaraan at ang isa pang tingnan mo ay ang magagandang katangian mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-23-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang balik-balikan ang nakaraan na. Hindi susulong ang buhay ng tao kapag siya ay nakatutok sa nakaraan. Dapat mong maunawaan na ang pagsulong ay papaabante. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-21-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumalma ka at huwag mong bunutin ang espada mo. Ang taong kalmado ay mas nakakapag-isip. Ang mabilis magalit ay tinatalo ng emosyon, kaya mas lumalala ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-12-23-28-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page