top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 10, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 10, 2021 (Miyerkules): Ingatan mo ang iyong sarili na masyadong mahilig sa pakikipagsapalaran. Higit sa lahat, ang pagpupundar ng iyong kabuhayan ang pinakamahalaga.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat mabihag ng pagsasaya at paglalakwatsa dahil malaki ang mawawala sa iyo ‘pag ganu’n ang nangyari. Dapat ay palagi kang malaya sa lahat ng panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-17-20-27-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Maging masinop ka at mapagpahalaga sa mga pinaghirapan mo. Ang mga pagsisikap mo ay hindi gawang biro. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-24-27-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Doble-doble ang panalo mo, kaya lumaban ka. Huwag mong atrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Muli, lumaban ka! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-25-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malibang sa mga suwerteng nagdaratingan. Ituloy mo pa rin ang paghakbang mo sa landas ng buhay papunta sa iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-29-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, nakasalalay sa mga kamay mo ang kapalaran ng mga nasa iyong paligid. Pagod ka man o ikaw ay sawa na at tinatamad sa pagsisikap, ituloy mo pa rin ang pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-25-27-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawawala ang liwanag ng iyong buhay. Natatakpan lang ito ng mga ulap at ang mga ulap ay pag-aalinlangan, na siyang dahilan kaya hindi makakilos ang may pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-21-22-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Masarap na ang iyong buhay, may mga handa pa ring alayan ka ng dagdag na sarap ng buhay. Mag-ingat ka sa mga regalo na naghihintay ng kapalit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-22-28-35-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nagdududa ka, umatras ka dahil ikaw ang taong may malakas na kutob. Hindi ka dadayain ng iyong kutob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-29-31-32-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Haluan mo ng paglalaro ang buhay mo dahil ang pagiging sobrang seryoso ay nagpapahina ng kalusugan. Sa paglalaro at pagsasaya, nawawala ang bigat ng problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-19-23-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paangat ka nang paangat. Mas magandang huwag ka munang huminto sa pagsisikap. Ang nadarama mong pagod ay simpleng nagsasabi na kulang ka sa paglilibang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-23-34-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Titingalain ka at hahangaan, pero wala ka namang kakaibang ginagawa. Ito ay mangyayari dahil ayaw ng langit na ang mga kaaway mo ay makapagyabang at magmalaki. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-21-28-41-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa makabuluhang gawain ang ilan sa mga suwerteng mapasasaiyo. Ang iba pa ay gamitin mo para sa iyong sarili na kung saan ka sasaya ay gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-30-31-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page