top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Pebrero 1, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 1, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2021 (Lunes): Kahit totoong masuwerte ka, iba na kapag may karagdagan kang sikap dahil ang tunay na nagpapaunlad ng kabuhayan ay ang pagsisikap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, mahalagang may saya ang buhay mo, lalo na ngayong maganda ang takbo ng mga suwerte mo. Ang saya ay nagsisilbing lakas para magpatuloy nang magpatuloy. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-20-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa panahong ito na malamig, kailangan mo ang init ng Haring Araw, pero sa umaga ka lang dapat mainitan. Mahirap paniwalaan pero ito ang sikreto ng iyong papalakas na suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-26-39-40-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Pahinga ang kailangan mo, kaya huwag mong kaligtaan na kahit paano ay magpahinga ka kahit ilang sandali lang. Hindi dapat inaabuso ang lakas at sigla. Ito ang ilagay mo sa iyong isip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-20-24-27-30.

CANCER (June 21-July 22) - Ibigay mo ang kaya mo. Kumilos ka na parang wala kang kinatatakutan at walang makakaawat sa iyo. Isang lihim na susi ito ng tagumpay na isinasabuhay ng mga yumaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-24-28-35-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo tulad ng dati dahil hanggang kontra lang naman ang hindi pabor sa iyo. Kahit naman hindi ka mabigo ay nakakontra pa rin sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-8-11-13-28-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy ang ikot ng mundo at ito ay hindi naaawat ng mga taong negatibo. Kaya mas magandang maging positibo ka nang ikaw ay makinabang sa araw-araw na pag-ikot ng mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-17-26-39-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na dahil may babala na pagtatangkaang agawin ang nasa iyo. Kung magpapabaya ka, talagang maaagaw ito sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-27-30-31-38-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang tatalo sa iyo pero madalas, malungkot ang buhay ng kinasisindakan. Kaya ang payo, paminsan-minsan ay magparaya ka kung saan kunwari, ikaw ang talunan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-18-20-24-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang malungkot kung hindi mo nakuha ang lahat ng gusto mo. Muling babalik ang pagkakataon at puwedeng mapasaiyo ang lahat ng anumang gustuhin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-22-26-27-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makibahagi ka sa maramihang pagsasaya. Sa mga magsasaya, may lihim kang makukuhang mga suwerte na hindi sinasadyang malilipat sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-15-16-21-25-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang magpaparamdam sa iyo na magpapakita ng pagtingin. Sukatin mo muna ang kanilang kakayahan nang malaman mo kung kaya ka nilang bigyan ng sarap ng buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-13-18-24-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpapatuloy ang pagdating ng mga suwerte mo. May ilang pagkakataon na parang nawala o huminto at hindi sapat para sabihin mong tuluyan nang nawala ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-23-28-30-34-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page