Horoscope | Oktubre 9, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 9, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2022 (Linggo): Kakambal mo ang panalo, kaya huwag na huwag mong aatrasan ang anumang hamon ng iyong kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo ang anumang gusto mo. Wala kang dapat ipag-alala dahil langit mismo ang aalalay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-21-26-29-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang tunay na puhunan ng mga yumayaman. Kaya ang payo para sa iyo ay dagdagan mo pa ang lakas ng loob mo nang mapabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-25-27-30-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo pa ang mga kilos at aktibidad mo, kumbaga, kumilos ka nang kumilos na parang hindi napapagod upang hindi masayang ang masuwerteng araw mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-28-30-34-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas sa mismong pangarap mo na mapaunlad ang iyong buhay. Mas malakas na inspirasyon ang nakukuha sa hangaring gumanda ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-25-27-37-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tama ang pakiramdam mo na mas mahusay ka kaysa sa iba. Pero higit sa lahat, ang kailangan mo ay ilagay ang husay at galing mo sa pagpaparami ng iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-24-33-34-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nababawasan ang sobra at nadadagdagan ang kulang. Malayo ka pa sa sobra kaya ikaw ay kulang pa. Magpatuloy ka sa pag-iipon at huwag magsayang ng mga nasa iyo na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-29-31-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo ang katotohanan, kung saan ang hindi mo na kaya ay huwag nang pag-aksayahan pa ng panahon o oras. Mas makakabuti ang maghanap ng magpapasaya sa iyo na hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-22-25-38-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon mo kailangang paghandaan ang pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Huwag mong sayangin ang magagamit sa puhunan sa balak mong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-15-26- 30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tuloy-tuloy ang pagkakaloob sa iyo ng langit ng mga biyaya at pagpapala. Hindi pa matatapos ang araw na ito, kung kailan sobra kang sasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-25-27-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoong mabibigat ang kinakaharap mo. Totoo rin na ang langit mismo ang umaalalay sa iyo tulad nang nakaraan na ipinakita ng langit ang pagmamahal Niya sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-29-31-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang takbo ng kapalaran mo ngayon dahil ang umalis na pinanghinayangan mo ay pinalitan agad ng langit, kung saan higit na sasarap ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-16-21-26-28-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kanino ka higit na masaya? Kanino pa nga ba kundi sa mga kaibigan mo. Huwag mong pansinin ang nagtatampo sa iyo, siya mismo ang may pagkukulang at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-18-29-32.




Comments