top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 5, 2026 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 5, 2026 (Lunes): Pagtitiwala sa sarili ang susi sa tagumpay. Ang katangiang ito ang siyang hinahangaan ng mga taong nakakakilala sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang buhay nang may positibong pananaw. Dahil sa pagiging positibo, ang mundo ay nagbabago, nagkakakulay at gumaganda. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-25-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palipat-lipat ang paru-paro sa mga bulaklak. Ngayon, ang malalaking suwerte na nasa iba ay malilipat sa iyo dahil hindi nila pinahalagahan ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-18-20-24-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Harapin ang dapat harapin. Ito ang susi upang ang pag-aalala ay maglaho. Huwag mong takasan ang iyong mga kinatatakutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-28-35-37-43.


CANCER (June 21-July 22) - Gaganda ang araw mo dahil sa mga masasayang makakasama. Samantalahin mo ang magandang araw na ito. Kung saan, ang mga makakatulong sa iyo ay mas lalo mong dikitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-21-29-31-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman mahirap gumawa ng desisyon. Kumbaga, simple lang. Ilagay mo ang sarili mo sa katayuan ng iba upang makapagpasya ka kung ano ang tama at mabuti. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-25-30-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang nasa harapan mo, iyon na mismo ang sagot ng langit sa kahilingan mo. Tanggapin mo ang iniaalok sa iyo na pagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-19-22-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makisakay ka sa takbo ng pangyayari. Ang isda na sumasalungat sa agos ay nasusugatan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-12-16-23-32-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang na husgahan ka ng mga wala namang alam. Sa huli, sila ang huhusgahan ng langit at makatatanggap ng parusa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-19-26-30-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahan lang ang proseso ng paghihilom ng sugat sa puso. Habang naghihintay ka ng kagalingan, huwag mong pabayaan ang iyong pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-20-28-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagpapalitan ng opinyon ang susi sa pagdagdag ng kaalaman. Pakinggan mong mabuti ang bawat punto de vista ng iyong makakaharap. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-21-25-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagpasya na ang langit at ngayon na ibibigay sa iyo ang mga bunga ng pinaghirapan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-22-30-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong gawin ng mga tao sa paligid mo ang gusto nilang gawin. Hindi ka maaapektuhan kapag mali ang ginawa nila, pero kung mabuti, ikaw rin ang makikinabang nang malaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-27-33-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page