Horoscope | Oktubre 4, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 4, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2022 (Martes): Kakaiba ang suwerte mo dahil sa biglang tingin, wala kang suwerte. Pero ang nakakagulat, ikaw ang tunay na pinanggagalingan ng mas marami pang mga buwenas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mabibigla dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa mga taong akala mo ay hindi mo maunawaan ang kilos at iniisip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-27-28-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mahirap hanapin ang mga suwerte mo dahil nasa tabi-tabi lang ang mga ito, pero talagang mahihirapan ka at baka hindi mo makita kapag nasa malayo ka naghahanap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-12-25-26-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung gusto mong suwertehin, bigla mong baguhin ang iyong plano. Ibalik mo na lang kapag dumapo na sa iyo ang buwenas dahil totoo rin naman na nasa tamang landas ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-18-20-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Pagkatapos mong malungkot, ikaw ay susuwertehin, kaya dapat mong ikatuwa ‘pag binigyan ka ng lungkot ng isang malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-23-33-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kokontrahin ka ng taong sa totoo lang ay suwerte sa iyo. Hayaan mo siya na kumontra sa iyo dahil ang katumbas naman nito ay suwerte na biglang darating. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-22-28-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Biglaan ang pagdating ng mga suwerte mo. Ibig sabihin, hindi dahan-dahan at ang inaakala mong suwerte sa iyo ngayon ay hindi muna magkakatotoo. Muli, biglaan ang pagdating ng mga suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-25-27-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagtatago sa hindi magagandang pangyayari ang mga suwerte mo. Ang payo ay tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-24-26-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Minsan nang nangyari na nasa harap ka ng mabibigat na kaganapan, ngunit ikaw ay hindi natinag at ikaw ang nagwagi. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-21-23-28-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huminto ka muna sandali kahit pa sobrang abala ka. Sa pagtigil mo sa iyong ginagawa, lalabas ang mga suwerte na matagal nang nasa sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-22-24-37-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli mong napabilib ang langit sa ginawa mong pagkontrol sa iyong sarili na pigilan ang sobrang galit. Dahil dito, tatanggap ka ng mga biyayang labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-25-26-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo na gawin ang mga gusto mo, na ayon sa iba ay imposibleng magkatotoo. Ngayong marami ang nag-alinlangan sa iyo ang tamang panahon para rito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-25-29-30-31-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga taong negatibo. Mas maganda na agad kang lamayo sa kanila nang sa gayun ay hindi mahadlangan ang nagdaratingan mong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-24-27-34-38.




Comments