Horoscope | Nobyembre 1, 2020 (Linggo)

Updated: Nov 1, 2020
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 01, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2020 (Linggo): Napabibilang ka sa iilang mapalad na ang ibig sabihin ay kahit hindi ka gaanong nagpupursigi, may dumarating na mga suwerte sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo maiiwasang magsaya kahit maalala mo ang mga mahal mo sa buhay na pumanaw na. Isang palatandaan ito na nasasagap mo ang mga paparating na mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-20-24-30-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magiging abala ka sa mga kaibigan at magtatampo sa iyo ang ilang mahal mo sa buhay. Sa huli, mauunawaan ka rin nila. Dahil sa negosyo, mas maraming kakilala ay mas maganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-23-39-47-56.
GEMINI (May 21-June 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Kung gusto mong malalaki at marami ang mapasaiyo, buksan mo ang puso mo sa pagpapatawad sa nakagawa ng mali sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-29-31-49-50.
CANCER (June 21-July 22) - Piliin mo ang pang-unawa kaysa sa galit. Mahirap mang maunawaan ang isang tao, sikapin mo pa ring mahanap ang mga dahilan kung bakit siya kumikilos nang wala sa lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-29-40-46-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbalik ang iyong mga suwerte. Sa pagkakataong ito, mas magandang maunawaan mo ang kahalagahan ng pagiging masinop at mapagmahal sa mga biyayang kaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-26-30-44-58.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung nasaan ang saya, roon ka. Hindi puwede na talunin ka ng lungkot dahil kapag malungkot ka, maaantala ang magagandang kapalaran na nagdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-23-29-30-31-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humahabol ang isang munting suwerte na dumapo sa buhay mo. Kapag pinalaki at pinarami mo ito, ang iyong kabuhayan ay lalago tulad ng mayabong at mabungang puno. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-23-25-37-51.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umatras ka kapag hindi mo kaya. Sa pag-atras mo, magpalakas ka at muli mong subukang gawin ang hindi mo nagawa noon dahil nahirapan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-26-38-40-48-54.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging mapagbigay ka. Ibig sabihin, ikonsidera mo ang pagpaparaya sa mga kapritsuhan ng iyong kapwa. Sa ganitong paraan, ang lahat ay sasaya at magkakaroon ng sigla sa paghahanapbuhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-28-30-33-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aayon sa plano mo ang langit, kaya ang kailangan na lang ay ipatupad mo ito. Huwag kang magiging negatibo tulad ng nakasanayan mo kaya hindi ka makapagsimula. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-28-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Doble-suwerte ang mapasasaiyo, kumbaga, parang kambal ang magagandang kapalaran na dadapo sa buhay mo. Kung magsasaya ka, simple lang ang paraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-24-26-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Takasan mo ang kalungkutan. Dati mo na itong ginawa sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang lugar kung saan nagbalik ang iyong masasayang karanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-29-30-35-36-38-40.




Comments