Horoscope | Oktubre 3, 2020 (Sabado)
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 3, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 3, 2020 (Sabado): Matataas na ranggo ang mahahawakan mo. Ito ay sa dahilang hindi ka isinilang na isang alipin dahil ikaw ay tagapag-utos.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kitang-kita ngayon ang mabilis mong isip kung saan maiiwasan ang biglaang pagkalugi. Huwag mong kalimutan na magandang sundin ang iyong isip sa lahat ng pagkakataon. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mo ang iyong kakaibang katangian sa paghawak ng mga tao. Marami ang dapat matuto sa iyo at gawin kang huwaran sa pamumuno nang maayos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21-June 20) - Ingat ka dahil marami ang gustong umangat sa puwesto ang gagamit sa iyo. Mas maganda na umasenso sila nang walang ginagamit na kahit sino. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21-July 22) - Tigas ng kalooban ang kailangan mo higit kailanman. Huwag mong kalimutan na ang mahina ay tatangay-tangayin, masasaktan at masusumpungan ang kanyang sarili na luhaan. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Ingatan mong madama ng iyong kapwa na nakahihigit sa kanila. Mas maganda pa rin na isipin nilang kayo ay pantay-pantay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Panoorin mo ang isang tao kung paano siya nagsisikap. Marami kang matututunan sa kanya na magagamit mo sa buhay. Isipin mong hindi masamang gumaya at mangopya. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumikit ka sa mga may sinasabi dahil may makukuha ka mula sa kanila. Dumikit ka sa mga angat sa buhay at aangat din ang iyong buhay. Huwag kang dumikit sa paladaing dahil matutulad ka sa kanila. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalik ang mga araw kung kailan wala kang ginawa, pero ikaw ay nakinabang. Ibig sabihin, ang mga suwerte ay muling magigising mula sa pagkakatulog. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon at sa mga araw pang darating. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga suwerteng alam mong labis-labis para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makinig sa iba. Sa halip, sundin mo ang iyong sarili. Walang ibang magpapayo sa iyo ng tama, maganda at tumpak kundi ang sarili mo lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa man, ayaw mong gamitin ang iyong kapwa para sa iyong sariling kaligayahan. Ngayon, puwede mong subukan ulit. Sa hinaharap, babalik muli ang ganitong oportunidad. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napabibilang ka sa mga susuwertehin. Sinupin at pahalagahan mo ang mga biyaya na mapasasaiyo. Huwag kang tumulad sa iba na nang sinuwerte ay inubos sa pagpapasaya sa kapwa. Masuwerteng kulay-peach.




Comments