Horoscope | Oktubre 18, 2020 (Linggo)
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 18, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2020 (Linggo): Tiyak ang pagyaman mo. Isabuhay mo ang pagtanaw ng utang na loob sa mga nakatulong sa iyo nang sa gayun ay mamalaging maganda ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw na darating. Ngayon ang pinakamagandang araw para asikasuhin ang pagpapalago sa kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Limitahan mo ang pag-iisip sa kung paano mas gaganda ang takbo ng iyong buhay. Ang ibang bagay na gusto mong pagkaabalahan ay huwag mo nang bigyang-pansin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.
GEMINI (May 21-June 20) - Simulan mo na ngayon ang pagiging seryoso sa buhay at makikita mo na ang iyong kabuhayan ay lumalago tulad ng punong-kahoy na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-purple.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mainis kapag ang mga kaganapan ay kabaligtaran ng mga gusto mong mangyari. Ito ay kailangang maganap nang sa gayun ay mabigyang-daan ang mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-pink.
LEO (July 23-Aug. 22) - Humahabol ang ilang mga suwerte sa iyong buhay. Naantala sila dahil may gustong umagaw. Huwag mong kalimutan ang isang bagay na kapag para sa iyo, kahit anong mangyari ay iyo pa rin. Masuwerteng kulay-beige.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli, lakas lang ng loob ang kailangan mo para masimulan ang anumang bagay. Lakasan mo ang loob mo nang magsimula na ang matagal mo nang pangarap na umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutok sa pagkita ng marami ang dapat mong isabuhay. Hindi ka dapat masingitan ng kung anu-anong hangarin na walang kinalaman sa kung paano ka mas yayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lahat ay may katapusan. Ang mga suliranin ay natatapos din. Ang mahalaga ay manatili kang matatag at ang pagiging positibo sa buhay ay huwag mong kaliligtaan kahit kailan. Masuwerteng kulay-violet.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papataas ang takbo ng iyong kapalaran. Huwag mong kalimutan na dapat ay laging nakasayad ang mga paa mo sa lupa at huwag mong kalimutang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumalaban ka pero hindi sa pagiging marahas. Ibig sabihin, kahit anong mangyari, hindi ka aayaw. Ito ang susi ng kapalaran mo na noon pa nagdadala sa iyo ng maraming suwerte. Masuwerteng kulay-red.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka kahit masaktan ka pa. Nakamasid sa iyo ang langit. Bawat luhang pumatak sa iyong mga mata ay tutumbasan ng mga suwerteng labis na magbibigay sa iyo ng ligaya. Masuwerteng kulay-brown.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa harapan mo ang mga suwerte. Ang susi ay humakbang ka papasulong, kaya hindi puwedeng ang pag-aalinlangan ay pipigil sa iyong mga paa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.




Comments