Horoscope | Oktubre 16, 2020 (Biyernes)
- BULGAR

- Oct 16, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 16, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2020 (Biyernes): Napakarami mong pangarap. Unahin mo muna ang pinakagusto mo at tiyak na makukuha ito at susunod ang iba pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang pabagu-bago ka ng iniisip. Dahil dito, huwag ka munang magdesisyon dahil tiyak naman na ito ay iyong babaguhin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang magtanong, lalo na kung ang hangarin ay magdagdag ng mga kaalaman. Magtanong ka sa mga kilala mong umasenso tungkol sa papasukin mong negosyo. Masuwerteng kulay-white.
GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang para sa iyo, kunin mo rin ang inayawan ng iba sa pag-aakalang walang kuwenta. Ang hindi nila alam, kapag napunta sa iyo ay malaki ang pakinabang mo. Masuwerteng kulay-green.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapalit ng pasya dahil kapag nagpalit ka, lalo kang mapupunta sa mali. Mas mabuting panindigan mo ang nasabi na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili. May babala na matatangay ka ng maling paniniwala. Kapag hawak mo ang sarili mo, ang mga mali ang paniniwala ay maaaring mag-isip ng mabuti. Masuwerteng kulay-purple.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa maganda ka nang pustura kaya manatili ka lang sa iyong ginagawa. Huwag kang papayag na mahawa sa mga maganda rin ang mga porma pero hanggang porma lang talaga. Masuwerteng kulay-pink.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi dapat pahalagahan ang maliliit na pagkakamali sa mundo ng pakikipagrelasyon dahil ang bawat isa ay nagkakamali rin at mas marami sa mali ay maliit lang din naman. Masuwerteng kulay-beige.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paunti-unting umuunlad ang negosyo. Dahan-dahan, ang halaman ay tumutubo at lumalaki. Ito ang tunay na batas sa pagnenegosyo na hindi puwedeng biglaan ang pagpapayaman. Masuwerteng kulay-blue.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sarili mo ang pakinggan mo. May babala na kapag nakinig ka sa iba, magsisisi ka. Dati ka nang nagdedesisyon para sa sarili mo, kaya dapat ay ganu’n ka pa rin ngayon. Masuwerteng kulay-black.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang mas maraming alam kaysa sa iyo. Sa ganitong paraan, may mapagkukunan ka ng mga kaalaman na mapakikinabangan mo sa pagnenegosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kambal na suwerte ang mapasasaiyo. Halos sabay na darating sa buhay mo ang dalawang magagandang kapalaran na magbibigay sa iyo ng kakaibang nakamamanghang buhay. Masuwerteng kulay-peach.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at kapag napasaya mo ang hindi mo kakilala o kaano-ano, kumikilos ang langit at pagkakalooban ka ng maraming dagdag na suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.




Comments