top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 14, 2021 (Huwebes)

  • BULGAR
  • Oct 14, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 14, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 14, 2021 (Huwebes): Huwag mong sayangin ang espesyal na pribilehiyo na kaloob sa iyo ng langit na nagsasabing, kapag gusto mong yumaman, ikaw ay tiyak na yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka sa larangan ng negosyo, kaya negosyo muna ang asikasuhin mo. Ang iba pang bagay ay huwag mo munang pagkaabalahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-23-38-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin mo na ikaw ay palakuwento at ang gusto mo ay ang nagsasalita, habang ang mga nasa harap mo ay nakikinig lamang. Senyales ito na ikaw ay masuwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-18-26-28-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Kahit anong larangan ng buhay, kapag nakipagsapalaran, ang sobrang katuwaan ay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-29-31-34.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, lalo na ang iyong damdamin. Malaki ang posibilidad na ang inilihim mo ay hindi sinasadyang iyong maihahayag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-23-39-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magmadali ka, huwag mong sayangin ang araw na ito kung saan magiging maganda ang iyong kikitain. Kaya hindi ka dapat makuntento sa nasa iyo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-17-20-23-28.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang kakaibang sigla ang mapasasaiyo. Isang sigla na ang mga imposible ay puwedeng maging posible. Ngayon mo na gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa sa nakaraang araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-26-32-33-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamuhunan ka at hindi ka mabibigo. Kapag pagod ang ipinuhunan mo ngayon, ang pinagpaguran mo ay magbubunga ng matatamis na pag-unlad at ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-27-30-31-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makipag-ugnayan ka sa isang nilalang na marami kang natutunan at mas marami ka pang malalaman. Ang maganda pa nito ay mawawala ang hindi mo maunawaang lungkot sa iyong puso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-28-33-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay na walang ginawa kundi hanapan ka ng mali. Sasayangin mo lang ang panahon mo kapag sila ay binigyan mo ng importansiya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-20-26-31-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang piliin mo. Huwag kang makinig sa nagsasabing papangit ang buhay mo sa maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-28-30-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iiwanan mo nang milya-milya ang humahabol sa iyo. Ito ay hindi lang sa larangan ng negosyo kundi maging sa buhay pag-ibig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-30-37-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang lalakas at gagaling sa karamdaman kapag lumabas ka ng bahay at namasyal. Mas hihina ka kapag masyadong matagal kang namamalagi sa bahay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-6-19-25-28-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page