Horoscope | Oktubre 12, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 12, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 12, 2022 (Miyerkules): Paulit-ulit kang ilalagay ng iyong kapalaran sa matataas na puwesto dahil noon pa man ay itinalaga ka na para mamuno at mamahala. Ito ang iyong papel sa mundo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan sa mga sitwasyon na ang hindi magkaintindihan ay nagiging emosyonal. Mamamagitan ka gamit ang kahinahunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-24-29-30-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makisakay ka sa mga may sinasabi at makikita mo na mapabibilang ka sa kanila. Ibig sabihin, aangat ka rin tulad nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-14-25-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Minsan, magandang sumilip sa puwedeng maganap sa hinaharap. Kapag nakasilip ka, pagkakataon mo nang mapabuti ang iyong kapalaran. Ituloy mo ang iyong mga plano para sa ikagaganda ng iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-22-27-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong opinyon. Tatakutin ka at maduduwag ka lang. Pakinggan mo ang iyong sarili na nagsasabing, ngayon ang tamang panahon para kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-16-19-22-29.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba ang paraan para ikaw ay buwenasin. Ito ay nagsasabing, isama o gawin mong bahagi ng mga plano mo ang inaakala mong walang alam at tila walang maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-20-21-23-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka. Ang taksil ay nagmumula sa mga akala mo’y mga tapat at tunay na kaibigan. Mas maganda na pag-aralan mo ang bawat kilos ng iyong nakakasama ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-24-28-30-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang maganda ang trato sa iyo, siya ang piliin mo. Huwag kang makipagsapalaran sa mga taong hindi mo pa subok. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-24-37-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa tamang landas ka ng buhay ngayon. Hindi ka dapat mailigaw ng ibang tao na nag-aakalang mas magaling sila sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-29-33-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikonsidera mo ang payo ng mga nauna sa iyo. Ang mga sinasabi nila ay mula sa kanilang karanasan at ang sinasabi mo naman ay mula lang sa iyong lakas ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-22-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ay nagmula sa ibaba, kaya pahalagahan mo ang iyong pinanggalingan. Tama ang sinasabi na ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay babagsak ang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-8-11-15-27-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masama ang magtanong, lalo na kung ang gusto ay magdagdag ng kaalaman. Ang masama ay ang mag-aakalang alam na niya ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-20-24-28-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon. Ito ay nagsasabing, ipaubaya mo sa agos ng buhay ang lahat at mapasasaiyo ang gusto mo. Kapag kumilos ka nang mag-isa, mabibigo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-12-23-38-40-41.




Comments