Horoscope | November 24, 2023 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2023 (Biyernes): Marami ang naiinggit sa iyo. Ayon sa kanila, maganda ang kapalaran mo. Totoong maganda ang kapalaran mo dahil kahit na magkamali ka, patuloy pa ring aayos ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi nakukuha sa maraming salita ang pangarap kaya huwag kang makinig sa mga taong salita nang salita. Sa pagkilos nakukuha ang pangarap, kaya kumilos ka na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-27-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nagtatagumpay ang mainipin, pero ang marunong maghintay ay nagtatagumpay. Pag-aralan mong labanan ang iyong pagiging mainipin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-23-29-34-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Matutukso ka pero mas maaagrabiyado ang nanukso sa iyo. Hindi niya alam na hindi ka puwedeng talian dahil ikaw ay nabubuhay sa pagiging malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-22-28-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang papayag na maaninuhan ng mga taong nagkukunwaring maraming alam. Huwag mong sundin ang kanilang diskarte. Ang sundin mo ay ang iyong sariling kagustuhan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-20-29-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sundin mo ang taong malapit sa iyo kahit pa nag-aalinlangan ka sa kanyang mga sinasabi. Ang tawag dito ay kapangyarihan ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-4-13-22-31-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong mamagitan sa mga hindi nagkakaintindihan. Sa huli, ikaw ang kagagalitan ng dalawang panig kapag sila ay nagkabati na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-28-30-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Muling magbabalik ang iyong mga suwerte. Sabihin mo na ang iyong kahilingan sa langit at huwag nang lagyan ng dekorasyon. Kumbaga, simple lang at diretsa sa pagsasalita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-24-33-43-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinapasan mo ang hindi mo problema. Huwag kang mag-alala dahil ang langit ay gagawa ng paraan para gumaan ang iyong pasanin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-21-27-30-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-utos ka. Sa pag-uutos, wala kang dapat paboran dahil hindi na mahalaga kung susunod sila o hindi. Ang importante ay may magandang pagsasama-sama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-12-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Saya ang nagbibigay suwerte sa iyo noon, kaya ngayon, kailangan mong maging masaya at labanan ang lungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-26-35-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka at mas susuwertehin ka pa kapag ang iyong lablayp ay walang problema. Mas magandang ayusin mo na ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-19-22-28-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang sinabi mo, ‘yun ang iyong gawin. Kapag nasunod mo ang nasabing payo, ang magagandang kapalaran ay mabilis na magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-10-23-25-34.




Comments