top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Horoscope | Nobyembre 9, 2026 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 9, 2026 (Lunes): Kapag sinunod mo ang utos ng iyong kapalaran, mas dadami pa ang iyong kabuhayan at mga ari-arian. Higit sa anumang materyal na bagay, ito ang dapat mong pangarapin at bigyang-prayoridad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw ang masusunod ngayon. Gayunman, isaalang-alang mo rin ang kapakanan ng iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-24-29-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw upang simulan ang pagtitipid dahil hindi naman lingid sa iyong kaalaman na marami kang magiging obligasyon sa malapit na hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-18-21-28-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hanapin mo ang landas tungo sa pagkakaisa at masayang pagsasama. Kaya ang mga gusot at sigalot ay dapat mo nang ayusin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-10-12-20-32-35.


CANCER (June 21-July 22) - Nasanay ka na sa paulit-ulit na pagkakamali ng isang tao. Pero hindi dahil alam mo nang ganoon siya ay hindi mo na siya hihikayating baguhin at ayusin ang sarili niya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-22-27-31-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makokontrol mo ang sitwasyon ngayon. Ang payo ay nagsasabing bigyang-halaga mo kung paano higit na makikinabang ang lahat. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-15-17-26-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka ngayon kapag ikaw ang nanguna sa pagpapakita na ang taong hindi natatakot sa mga hamon ng kapalaran ay mabilis na umaasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-24-30-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibalik mo ang dating hilig na iniwasan mo. Marami ang kumokontra rito dahil akala nila ay naghahangad ka lamang ng mga materyal na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-25-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumulad sa marami na nagbubulag-bulagan kapag nagkakamali ang mga taong malapit sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-20-26-33-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itutok mo ang lahat ng lakas at isip mo sa trabaho. Huwag mong pansinin ang iba pang bagay at ituring mo ang mga ito bilang mga tukso na sisira sa iyong konsentrasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-19-29-32-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itutulak ka ng sarili mo na gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-22-24-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit abala ka sa iyong ginagawa, hindi mo maiiwasang mapunta sa malayo ang iyong isip. Isa itong malinaw na palatandaan na pinag-a-abroad ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-17-19-25-27.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong harapin nang mukhaan ang iyong mga kalaban. Kapag nagkunwari ka, tiyak na mananalo ka! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-16-29-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page