top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 30, 2020 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 30, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2020 (Lunes): Hindi ka pababayaan ng langit. Ang pananalo ay palaging ilalagay sa harapan mo. Makakaasa ka na ang magandang kapalaran ay para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagabayan ka ng langit ngayon sa iyong gagawing pagdedesisyon dahil ikaw ay natagpuang litung-lito sa mga pangyayari. Sundin mo lang ang sasabihin ng puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumang gamit na gumagana pa ang iyong pampasuwerte ngayon. Ilabas mo ito at iyong gamitin. Makikita mo na magdaratingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-29-30-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng makislap nang sa gayun ay masilaw ang mga naghahangad na mabigo ka at ito rin ay aakit sa kanila para kusa silang maging mabait sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-20-21-29-40.


CANCER (June 21-July 22) - Diligan mo ang iyong halaman. Bigyan mo ito ng pansin at alisin mo ang mga lantang dahon dahil ito ngayon ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-18-25-28-30-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi bagay ang iyong lucky charm ngayon. Bigyang-saya mo ang hindi mo kakilala na makikita mong naghihirap dahil nagsisikap. Dadagsa ang mga biyaya para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-16-21-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tibay ng paninindigan ang iyong kailangan ngayon, kaya hindi puwede ang nakasanayan mo na biglang pagpapalit ng pasya. Maging matatag ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-8-11-18-20-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nalulungkot ka, magsaya ka. Ipakita mo na hindi ka tinatalo ng lungkot. Natatandaan mo ba nang minsang kumilos ka nang masaya at ang mga suwerte ay naglapitan sa iyo? Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-15-27-39-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong panoorin ang mga nangyayari sa iyong harapan. Makialam ka dahil hawak mo ang susi sa pagkakasundo ng mga hindi magkaunawaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-28-30-35-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpakumbaba ka sa harap ng nag-aakalang mahina ka. Sa pagpapakumbaba, ang ilang suwerte nila ay hindi sinasadyang sa iyo mapupunta. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-25-37-40-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw kung kailan kusang maglalapitan sa iyo ang mga suwerteng kailangang-kailangan mo. Huwag ka nang mamili. Ang mga darating ay iyong tanggapin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-19-20-21-23-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Giginhawa ang kalooban mo dahil kusang mag-aalisan sa kapalaran mo ang mga ayaw na ayaw mo na nagpapahirap lang sa kalagayan mo. ‘Wag mo na ulit silang yayain sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-24-26-39-40-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng palagi kang nasa bahay. Mamasyal ka! Sa pamamasyal mo, may makikita kang magagandang bagay na magsisilbing inspirasyon mo para lalo kang magsikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-23-27-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page