top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Nobyembre 28, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 28, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2020 (Sabado): Dala mo ang suwerte kahit saan ka makarating dahil ikaw mismo ay masuwerte. Ang asikasuhin mo ay pagpapaganda ng iyong kapalaran nang sa gayun ay pakinabangan mo ang pagiging masuwerte mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong patulan ang mga magtatangkang sirain ang iyong araw. Hayaan mo lang silang magsalita nang magsalita. Sa totoo lang, ang salita ay salita lang naman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-6-15-17-23-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na may dalang suwerte sa iyo ang iyong mga karibal, kaaway at kakumpitensiya. Kaya ang payo para sa iyo ay lihim kang magpasalamat sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-29-30-31-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali ngayon. Wala nang mas maganda pa para sa iyo kundi ang maghinay-hinay at magpreno kapag ang mga pangyayari ay hindi nakikiisa sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-14-15-26-38.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matangay ng mga palaangal, reklamador at daing nang daing. Agad mo silang layuan dahil sisirain nila ang magagandang kapalaran na sa iyo nagdaratingan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-29-30-33-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapansin-pansin na ngayon, ang nagsisilapit sa iyo ay ang mga nag-aakalang bigo sila sa buhay. Bigyan mo sila ng inspirasyon nang sa gayun ay mabuhay ang kanilang kasiglahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-18-22-26-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mainip dahil sa kasalukuyan, kumukuha ng malakas na buwelo ang iyong kapalaran. Mag-uumapaw na walang pagsidlan ang iyong magiging kagalakan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-16-20-22-24-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwede na talunin ka ngayon ng lungkot. Dahil kapag malungkot ka, hindi gaanong makausad ang iyong kapalaran. Mamasyal ka at magsaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-32-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumawa ka ng paraan para mas mapalapit ka pa sa lihim mong minamahal. Samantalahin mo na dahil ngayon, naghahanap siya ng sa kanya ay magpapasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-27-33-39-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang madilim at makulimlim na kalangitan. Ituloy mo lang ang iyong mga plano at huwag kang magpaawat dahil ikaw ay nasa tamang landas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-11-14-25-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong panghinayangan ang mawawala sa iyo ngayon. Mas lalong lumalago ang halaman kapag nababawasan ng mga dahon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-21-24-28-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mo dahil nakaalalay sa iyo ang langit. Hindi ka mabibigo kahit marami ang nakakontra sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-25-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masamang talikuran ang nasabi na. Ang masama ay kapag nakitang mali at itinuloy pa ang pagkakamali. ‘Wag kang mag-alala dahil mas tama na biglang magbago ka ng pasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-19-23-39-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page