Horoscope | Nobyembre 27, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 27, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2020 (Biyernes): Patuloy na aayusin ng langit ang iyong kapalaran kahit ikaw mismo ang magiging dahilan kaya pumangit ang iyong buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo susundin ang madalas na ipinapayo na huwag tumingin sa maganda sa mga mata. Ngayon, hindi puwede sa iyo ang ganu’n. Talagang magaganda ang magpapansin sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-22-27-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa iyo nakatingin ang marami. Hindi sila makapaniniwala kaya may halong pagkamangha ang mga ito sa naggagandahang kapalaran na mapasasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-17-20-23.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis ang mga kaganapan, kaya masusumpungan mo ang iyong sarili na ang katabi ay tukso. Kapag nangyari na ito, sabihin mo sa sarili mo, “Mag-iingat na ako.” Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-12-24-28-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Damang-dama mo ngayon ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Damang-dama mo rin na ang langit pala ay sobrang mabait at nakikinig sa mga panalangin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-7-10-13-14-28.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mas makabubuti sa iyo na sa bahay lang dahil hindi ka gaanong gagastos. Sa labas, para na ring nagbalik sa iyo ang araw kung kailan ay parang Pasko. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-29-30-32-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sinusubukan mo pa lang na buksan ang pintuan ng iyong puso, nagpapasukan at parang nagmamadaling mapasaiyo ang mga bagong pag-ibig. Masuwerteng kulay- yellow. Tips sa lotto-20-21-28-36-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Lahat ng gusto mo ay mapasasaiyo at ibibigay din ng langit ang mga hindi mo gusto, pero makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto-6-11-19-21-28-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lawakan mo ang iyong pang-unawa dahil kapag hindi ka naging maunawain ngayon, ang mga problema ay magdaragsaan sa buhay mo. Masuwerteng kulay- pink. Tips sa lotto-17-22-27-28-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa bagong pag-ibig. Ito ay bagong sigla at bagong inspirasyon ang hatid sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-15-16-25-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa iyong kasalukuyan kahit anumang oras ay puwedeng magbago ang lahat sa iyo. Ang matatamis na salita ay mga pandaraya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-20-22-28-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo na kapalaran ang mag-ayos sa buhay mo. Dahil kung sarili mo lang ang aasahan mo, maliligaw ka at puwedeng matagal ka pang umasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-19-21-27-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tukso rin ang mga udyok na magpalit ng trabaho. Tukso rin ang umalis nang hindi pa handa. Ang payo para sa iyo ay huwag kang matutukso. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-18-20-25-27-37.




Comments