Horoscope | Nobyembre 21, 2020 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 21, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2020 (Sabado): Aapaw ang iyong kaban-yaman dahil ang mga suwerte mo sa buhay ay isa-isa nang magdaratingan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makabubuti sa iyo ang pansamantalang paglayo sa iyong minamahal. Ito ay upang mapag-aralan mo ang mga sitwasyong inyong kinakaharap ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-23-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipinagkatiwala sa iyo ng langit ang kapalaran mo. Magpasya ka lang at humiling, sapagkat ang lahat ng hiling mo ay magsisimula nang magkatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-18-24-33-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang iyong sarili. Mali ang ganu’ng paraan para sa iyo. Sa halip, ang totoo, kapag kunwari na ayaw mo, saka ka hahabulin ng iyong gusto. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-13-21-36-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Paganahin mo ngayon ang iyong mayamang imahinasyon. Ang malalaking kita at mabilis na pagyaman ay nakasalalay sa iyong isipan at talino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-26-32-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalita ang araw na ito na magkakaroon ka ng oportunidad na magkakaroon ng bago at mas masayang love life. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-26-33-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang kabahan. Hindi ka dapat mag-alala nang labis dahil kakampi mo ang langit at ang mahal mo na laging nasa iyong tabi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-21-24-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabagal ang galaw ng iyong kapalaran. Ito ay sa dahilang tinitiyak mo na sa bawat hakbang ay wala kang papasaning mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-9-15-24-27-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong abusuhin ang iyong sarili. Ang pagpupuyat, nag-iisa ka man o kasama ng iyong mga kaibigay ay hindi makabubuti sa iyong kalusugan. Matulog ka nang maaga dahil sa susunod na mga araw, marami pang biyaya ang darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-7-17-22-30-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaktan ang iyong damdamin at ang magiging dahilan ay ang iyong mahal sa buhay. Sa sakit na iyong nadama, mababawasan ang iyong pag-ibig, ngunit pagpasok ng Disyembre, muling mag-iinit ang inyong pagmamahalan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-35-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo muna ang basta-basta mo na lang ginagawa na nagdedesisyong mag-isa. Upang makuha mo ang anumang gusto mo, konsultahin mo ang iyong mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-23-30-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipagpatuloy mo ang magandang nasimulang pakikisalamuha sa mabababang tao. Ang nadarama mong saya ay magbubunga ng paglakas ng iyong loob at kalusugan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-23-36-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mataas ang lebel ng iyong talino ngayon. Kaya ang maseselan at mabibigat na suliranin ay madali mong malulutas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-7-16-28-32-41.




Comments