top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Nobyembre 20, 2020 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 20, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2020 (Biyernes): Huwag kang magsawang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa dahil ang langit ay hindi nagsasawang bigyan ka ng mga biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang magandang pagkakataon upang magkawang-gawa ka. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kilos at ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-19-20-25-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-atubiling tumulong sa mga nangangailangan. Ang langit ay hindi rin mag-aatubiling ikaw ay hulugan ng mga suwerteng iyong kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-24-27-34-42-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Humuhupa ang galit at napapalitan ng pag-ibig. Ang hiwagang ito sa buhay ng tao ay mangyayari sa iyo. Hindi kapani-paniwala, pero mawawala ang galit mo at iibigin mo ang iyong kagalit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-21-26-32.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Ang taong buwenas ay ang wala namang ginawang anumang pagsisikap, pero ang magagandang kapalaran ay napunta sa kanya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-19-24-38-41-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mamahalin mo ang magpapakita sa iyo ng kabutihan kahit pa may minamahal ka sa kasalukuyan. Mahihirapan kang labanan ang sinasabing ito ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-25-33-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdamot at hindi ka pagdadamutan ng langit. Maging mapagbigay ka at mahihiling mo sa langit ang mga gusto mong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-29-30-33-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka ngayon. Umiwas ka sa nagpapakita sa iyo ng maganda dahil sa ganito nagsisimulang makaisa ang mga mapagkunwaring nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigyang-daan mo ang pakikipag-ayos. Mas masarap mabuhay nang walang kaaway. Maghanap ka ng solusyon para sa pagkikipagkasundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-25-39-41-45-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka. Ikaw din naman ay nakagagawa ng pagkakamali sa iyong kapwa. Ang malawak na kaisipan ay susi sa maligayang pamumuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-28.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maawa ka dahil tama lang ang maawa. Pero dapat ay disiplinahin mo ang iyong sarili dahil madalas na nangyayari sa iyo na kinaawaan mo ang mga hindi naman dapat kaawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-15-16-25-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumampi ka sa dapat kampihan. Ang mga mali ang katwiran ay ‘di dapat na kunsintihin. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay nang sa gayun ay palagi kang nasa panig ng kabutihan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-14-16-23-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Muli kang binigyan ng pribelehiyo na magawa ang anumang gusto mo para sa iyong buhay. Huwag mo itong sayangin, gumawa ka ng maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-20-25-27-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page