top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Nobyembre 19, 2020 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 19, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2020 (Huwebes): Masaya ang buhay mo. Nalulungkot ka rin, pero hindi nagtatagal ang iyong kalungkutan. Kung makikipagsapalaran ka sa hamon ng buhay, lalo kang sasaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sikat ng Haring Araw ang magpapasigla sa iyo. Kaya kahit sandali lang, magpasikat ka sa araw. Ito rin ang lihim na susi para sa iyo nang mabuhay ang natutulog mong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-34-39-48-49.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa kaliwa at kanan mo ang iyong mga suwerte. Ibig sabihin, nasa mga kaibigan at bagong kakilala mo ang magagandang kapalaran na mag-aangat sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-23-35-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdagdag ka ng bilis para mas marami kang makuhang pakinabang sa mga nagdaratingang magagandang oportunidad sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-25-30-46-47.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mo ang labis na pagtitiwala sa ibang tao kahit pa siya ay malapit sa iyo. Mas maganda na kung ano ang gusto mong gawin, gawin mong mag-isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-27-33-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muling dumating ang mga araw na nakabukas ang pintuan ng langit para sa iyong espesyal na kahilingan. Ang masayang balita para sa iyo, ito ay magsisimula na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-25-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sisimulan mo ang negosyong noon mo pa gusto, simulan mo nang may bendisyon ng malalapit mong kaibigan. Ito ang magsisilbing pampasuwerte sa negosyo mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-20-36-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung totoo o hindi dahil ang mahalaga ay may masasaktan kapag may nakaalam ng lihim na hawak mo. Ito ang tandaan mo nang makaiwas ka sa magulong sitwasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-18-27-31-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Hindi ngayon ang panahon ng pagpapahirap sa sarili. Muli, kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-22-24-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Anumang sobra ay dapat bawasan. Kapag nasobrahan ka sa trabaho, mamahinga ka nang sa gayun ay makaiwas ka sa pagkakaroon ng karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-27-33-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isipin mo ang kinabukasan upang maiplano mo ang iyong buhay. Ang pagpaplano ng buhay ay kailangang patungo sa pagyaman. Mag-ipon ka ng maraming materyal na bagay dahil ito ang iyong ikaliligaya habambuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-26-34-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na kailangan mo ng pagbabago. Ang pagbabago na ito ang magiging simula upang ikaw ay umunlad at lumigaya. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-9-18-25-28-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihikayat ka ng kapalaran upang magbagong-buhay. Ang pagbabagong ito ang magiging simula upang marating mo ang malaking tagumpay at pagyaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-23-36-41-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page