top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 17, 2020 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 17, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 17, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2020 (Martes): Isinilang ka bilang huwaran sa pagsisikap at maging ehemplo ng mga hindi sumusuko sa hamon ng kanilang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibay ng loob ang ipakikita mo ngayon, kaya patuloy kang makikipaglaban sa mga pagsubok na nasa iyong harapan. Magtatagumpay ka dahil ito mismo ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-26-30-35-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manindigan ka. May taong nasa mali at ipinaglalaban pa rin ang kanilang mali, pero ikaw na nasa tama ang higit na may karapatang makipaglaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-23-27-30-47.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang tumingin sa dilim. Ang pagmasdan mo ay ang liwanag kahit ito ay sobrang maliit. Ito ang gagabay sa iyo upang gumanda ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-39-48-50-53.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang gumalaw kapag hindi mo alam kung ano ang lagay ng iyong kapaligiran dahil minsan, may pagkakataon sa buhay ng tao na mas magandang hindi kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-25-34-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung alam mong maaari kang madisgrasya, ‘wag ka nang makipagsapalaran pa. Ganito rin sa larangan ng negosyo– kapag alam mong lugi, huwag mo nang subukan pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-27-38-47-54.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanda ka sa paparating na mga suwerte. Marami sa mga taong hind inaakalang mangyayari ito ay nagkaroon ng mga biyaya. Dapat kang mabuhay sa tamang pag-uugali at gawi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-20-21-25-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumulong ka sa higit na nangangailangan dahil ngayon ang panahon ng patulong at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-16-23-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang mga araw pagkatapos ng bawat bagyo. Ganundin sa buhay ng bawat tao, gumaganda pagkatapos ng matitinding pagsubok. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-26-37-44-51.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga taong sinasamantala ang hindi magandang kalagayan ng kapwa. Maghihiganti ang karma at ito ay kanilang mararanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-28-31-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo kailangang lumaban sa hamon ng kapalaran. Huwag mo nang hintayin pa ang ibang panahon dahil ngayon ay magpapasya ka kung ano ang iyong haharapin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-27-30-33-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Habaan mo ang iyong pasensiya sa mga ahensiya ng pamahalaan dahil sobrang dami ng kailangang tulungan. Mas magandang panatag ang iyong kalooban nang hindi ka magkaroon ng karamdaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-29-31-38-49-50.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit ikaw din ay may pangangailangan, hindi mo mapipigilan na magbigay ng tulong sa iyong kapwa. Likas sa iyo ang pagiging maawain at masaya ka kapag may natutulungan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-36-38-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page