top of page

Horoscope | Nobyembre 15, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 15, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2025 (Sabado): Malakas ang iyong karisma. Kaya kung sa negosyo mo ito gagamitin, tiyak na yayaman ka! Ito mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itago mo ang lungkot dahil may ilang suwerte na gustong dumapo sa iyo, ngunit nais nilang makita ka munang masaya at hindi iniinda ang mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-23-28-35-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang masuwerteng araw upang kumilos. Tulungan mo ang malalapit sa iyo, at langit na ang bahalang gumanti para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-21-26-35-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang masisiyahan sa mga magagandang kapalaran na iyong tinatamasa, at paghandaan mo rin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-29-39-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa na manalo ka sa pakikipagsapalaran. Itulong mo sa mga mahal mo ang mapapanalunan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-24-32-38-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung tutulong ka, huwag ka nang maglagay pa ng kondisyon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-16-31-35-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaasa ka kasi, kaya ka nasasaktan. Gawin mo lang ang mga bagay na magpapasaya sa iyo. At kapag naging masaya ka, wala ka nang dapat hanapin pa. Ito ang ilagay mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-14-22-24-35-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang sa langit, agad ka Niyang pagbibigyan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-20-26-33-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipaglaban mo ang pag–ibig kahit pa kumontra ang buong mundo. Dahil ang masuwerteng balita para sa iyo at para sa mahal mo ay nagsasabing anuman ang gawin n’yo, papabor pa rin sa inyo ang langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-27-38-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa tukso at huwag mo itong labanan ng mukhaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-17-28-34.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit ka nalilito kapag higit sa isa ang inspirasyon mo? Malito ka kapag lagpas na sa pagiging inspirasyon ang  sinubukan mong pasukin. Ito ang isipin mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-12-20-22-28-32.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisingit pa rin ang sinag ng Haring Araw kahit na makapal ang ulap. Ibig sabihin, hindi puwedeng mamatay ang ningas ng pag-asa na nagbibigay sa iyo ng suwerte at sigla. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-19-23-32-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mong mabuti ang pagkakatiwalaan mo. Alalahanin mo, dati ka nang nagtiwala sa taong akala mo ay puwedeng pagkatiwalaan, ‘yon pala ay lolokohin ka lang. Kapag naging maingat ka, ang magagandang kapalaran ay tuluy-tuloy nang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-22-27-33-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page